top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Merino namayani sa Spain, haharap vs. France sa semis

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 1 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | July 12, 2026



Jimmy Alapag - NLEX Road Warriors

Photo: Merino



Laro ngayong Linggo - Quarterfinals

5 AM Norway vs. Inglatera

9 AM Argentina vs. Switzerland


Bayani sa pangalawang sunod na laro si reserba Mikel Merino at itinulak niya ang Espanya sa 2-1 panalo kontra Belgium sa pagpapatuloy ng FIFA World Cup 2026 Playoffs kahapon sa SoFi Stadium sa Inglewood, California. Haharapin ng mga Kastila sa semifinals ang Pransiya sa Miyerkules.


Ipinasok si Merino sa ika-86 minuto para kay Dani Olmo at 2 minuto pa lang nakatapak sa damo ay inihatid ang nagpapanalong goal. Nabitiwan ng kakapasok din na goalkeeper Senne Lammens ang bola at gumulong ito sa naghihintay na mga paa ni Merino.


Nakaunang goal ang Espanya nang tapikin palayo ni goalkeeper Thibaut Courtois ang sipa ni Olmos pero napunta kay Fabian Ruiz na ipinasok ito sa ika-30. Nakabawi agad ang Red Devils at pinantay ang talaan sa 1-1 sa goal ni Charles de Ketelaere sa ika-41.


Napilay sa binti si Courtois at kinailangang palitan ni Lammens sa ika-71. Ito ang kanyang unang aksyon sa torneo at naging matatag hanggang dumating si Merino.


Magwawakas ang quarterfinals ngayong Linggo tampok ang sagupaan ng defending champion Argentina at naghahamon Switzerland sa Arrowhead Stadium ng Kansas City. Aabangan din ang labanan nina Harry Kane at Inglatera kontra Erling Haaland at Norway sa Hard Rock Stadium sa Miami.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page