top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Parehong ex ni Rico… SABRINA, GAME MAGING BFF SI CLAUDINE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 3 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | July 12, 2026



WINNER - SABRINA, GAME MAGING BFF SI CLAUDINE-FB Circulated

Photo: File / Circulated



Nagbati na sina Sabrina M. at Katrina Paula. Nagkita ang dalawang sexy stars sa launch ng Cindyrella Medical Clinic.


Nagkaroon ng gap ang magkaibigan sa pag-amin ni Sabrina na nagkaroon sila ng relasyon ng ex-boyfriend ni Claudine Barretto na si Rico Yan.


Pahayag ni Katrina, “Matagal na kaming bati. Alam mo, ‘yun nga ‘yung sabi ko, dapat i-stop na talaga ‘yung mga tampuhan. Kasi matanda na tayo. Kung ano man ‘yung na-achieve ng isa, maging masaya tayo sa isa't isa. At kung ‘yung isa man ay ‘di naka-achieve ng maganda, hatakin natin pataas. Saka tapos na ‘yun, patay na si Rico. Patahimikin na natin.”


Nag-agree si Sabrina sa sinabi ni Katrina.

“Wala na, okay na ‘yun,” sambit nito.


Aniya pa, “Tapos na ‘yun. ‘Di ako nagseselos na magkaibigan sila. Sino para magselos? Ang tanda na natin. Kung magkaibigan sila, sige lang.”


Tinanong namin si Sabrina kung willing ba siya na maging kaibigan din si Claudine sa pamamagitan ni Katrina.


Tugon ni Sabrina, “Alam mo, ako naman po ‘yung tao na wala namang problema sa akin. Kung magiging kaibigan mo, wala namang problema. ‘Di naman ako namimili. As long as okay ‘yung isang tao, why not? Wala pong problema kung ilapit n’ya sa akin si Claudine.”

Ayon naman kay Katrina, nagsabi na rin daw sa kanya si Claudine ng interes na makipagkita kay Sabrina.


“Sobrang gusto talaga ni Claudine na makilala s’ya,” diin ni Katrina.

Sabi naman ni Sabrina, “Gusto ko rin naman s’yang makilala.”


Mas bongga kung makakasama nina Sabrina at Katrina si Claudine na magpa-treatment kay Dra. Aryana sa Cindyrella Medical.


“It is true that we are all aging. Naturally, we want to age gracefully. We want to look and feel young, but this should be accomplished through non-invasive procedures. Of course, we do not want to overdo it,” lahad ni Katrina.


Inanunsiyo rin ni Katrina sa launch ng Cindyrella ang gagawin nilang concert ng mga sikat na artistang kasama niya noong ‘90s.


Pagre-reveal ni Katrina, “We’re currently in the planning phase for the concert. I have always wanted to do this show. I believe the success of the Sexbomb reunion concert paved the way for future reunion shows. I love how young people discover celebrities from the past. It demonstrates that there is truly a place for everyone.”


Kasama rin nina Sabrina at Katrina ang iba pang ‘90s stars na dumalo sa opening ng beauty and wellness clinic ng aesthetician na si Aryana Lopez, sina Jeric Raval, Jojo Abellana, Pia Moran, Ynez Veneracion, Natasha Ledesma, Alma Concepcion at kasama ang bagets na si Larkin Castor.


Iba-iba ang gustong treatment ng mga 90s stars sa Cindyrella. Very much willing naman si Dra. Aryana na mas lalo pang i-enhance at i-maintain ang beauty ng kanyang mga celebrity patients.





“DAPAT,” ito ang sey ni Pia Moran sa sinabi namin na isa siya sa mga dapat na merong star sa Walk of Fame sa Eastwood City, Quezon City.


Nalungkot si Pia when she mentioned to us na wala pa pala siyang star sa Walk of Fame na itinayo ng veteran host na si German Moreno.


Naunahan pa siyang magkaroon ng vlogger na si Small Laude na magka-star.

Nagmarka rin ang pangalan niya sa entertainment industry. Bukod sa nakilala bilang Miss Body Language, naging big hits din ang comedy films niya especially with Redford White.


At isa si Pia sa mga artista na talagang walang retoke noong kasagsagan ng kanyang career.


Unlike ‘yung generation ng mga artista ngayon, lalo na sa mga kababaihan na halos pare-pareho na sila ng mukha, pure beauty and alindog ang panlaban nila.


“Wala talaga kaming retoke. Hawakan mo pa ang ilong ko. Lahat ‘yan, totoo. We were carefree and didn't mind showing our real bodies. When you look at our faces from that time, you can tell we were all different, ‘di magkakamukha,” pagmamalaki ni Pia.

And in fairness kay Pia, kahit ngayon na nagkaedad na siya ay lutang pa rin ang kanyang beauty.


Kaya naman promise ni Dra. Aryana na tutulungan niya si Pia at iba pang ‘90s star para panatilihin pa rin ang kanilang ganda.

Bongga naman ni Dra. Aryana!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page