top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mas bagay daw ang role kina Maris, Rita at Alexa… ATASHA, WA’ RAW ‘K’ MAGING BIDA SA STAGE PLAY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 12, 2026



ATASHA, WA’ RAW ‘K’ MAGING BIDA SA STAGE PLAY-IG _atashamuhlach

Photo: IG _atashamuhlach



Mistulang baptism of fire ang nararanasang pamba-bash ngayon ni Atasha Muhlach. Hindi raw naman kagandahan ang kanyang boses dahil hindi naman siya singer, kaya bakit siya ang napili na gumanap sa Bongga Ka ‘Day: Annie Batungbakal The Musical (BKDABTM).


Marami naman daw ibang magaganda at nakakakanta nang maayos, bakit si Atasha ang napili? 


Umiral ba ang favoritism at ang pagiging nepo baby nito?


Dismayado tuloy ang marami dahil ang inaasahan nilang gaganap ay magaling mag-perform. Ilan nga sa mga laging nababanggit sa socmed (social media) kapag si Atasha ang pinag-uusapan, mas deserve nina Maris Racal, Rita Daniela o Alexa Ilacad ang show kahit hindi naman sila nag-audition.


Well, sobrang laki lang ng expectation ng publiko kay Atasha dahil anak siya nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales.


Gayunman, wala pa nga siyang experience sa stage at nangangapa pa sa kanyang karakter bilang Annie Batungbakal. Unfair naman para kay Atasha na agad siyang husgahan ng mga bashers. Bigyan muna siya ng pagkakataon upang patunayan na may mararating siya sa showbiz.





Maraming nagsasabing napaka-cute at maganda talaga ang anak nina Angelica Panganiban at Gregg Homan na si Amila Sabine o Baby Bean. Kaya marami ang nag-react nang sabihin ng aktres na hindi na nila ipapakita sa social media ang mukha ng kanilang anak para mapangalagaan ang privacy nito.


Mutual decision nila ni Gregg ang hakbang na ito upang magkaroon ng normal at tahimik na paglaki si Amila. Sa mga commercials na gagawin nila ni Amila, makikita pa rin naman ito ng publiko.


Inaalala rin ni Angelica ang maaaring sabihin ng kanyang anak kapag lumaki na at malaman na nakababad sa social media ang lahat ng kanyang ginagawa. 


Noong una ay excited at masaya pa si Angelica na i-display at ipagmalaki sa social media ang kanyang tisay na anak. Blondie kasi ito at may blue eyes. Mismong si Angelica ay hindi makapaniwala na magkakaanak siya ng mestiza. Super-proud siya kay Amila Sabine.


Pero nagkaroon sila ng heart-to-heart talk ni Gregg at nagkasundo na huwag nang i-expose si Amila sa social media upang magkaroon ito ng tahimik at normal na buhay.





DAHIL sa kanyang amang may sakit na dementia, nagawa ni Solenn Heussaff na makapagpinta at magkaroon ng sariling paint exhibit sa Rockwell Power Plant.


Sa pagpipinta na lamang ibinubuhos ni Solenn ang kanyang emosyon mula nang magkasakit ang kanyang ama. Apektado siya dahil siya ang nag-aalaga rito. 


Hindi ma-imagine ng aktres na magkakaroon ng dementia ang kanyang ama na dating matikas at malakas ang personalidad.


Well, maraming natutunang lessons in life si Solenn mula sa kanyang ama kaya hindi niya ito pababayaan. 


Sa tulong ng kanyang mister na si Nico Bolzico at ng mga kaibigan, nagawa ni Solenn na maging matatag sa pinagdaraanan ng kanyang ama.


Hindi man siya nakikilala ng kanyang ama, ang mahalaga ay malakas pa ito at nakakasama nila.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page