top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Ngayong mag-asawa na, natuklasan… IBINULGAR NI JESSY: LUIS, BUTAS-BUTAS NA ANG UNDERWEAR

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 25, 2021
2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | November 25, 2021



For the first time ay humarap si Jessy Mendiola to a handful of entertainment writers as Mrs. Luis Manzano sa ginanap na contract signing niya as the newest endorser ng beauty skin care clinic na Cathy Valencia.


Siyempre, kinumusta muna namin si Jessy sa kanyang buhay-may-asawa, kung nakapag-adjust na ba siya or kung may adjustment ba na dapat gawin.


Meron naman daw adjustment pero very minimal lang. Kuwento niya, natatawa raw siya every morning na nagigising siya katabi si Luis.


"Kumbaga, I'm just so happy na," naputol na sabi ni Jessy, "naku, he always looks at my feet.


Hindi siya makatulog kapag hindi magkapatong ang mga paa namin. Hindi naman niya inaamoy, pero dapat, 'yung paa niya at paa ko, magkadikit."


Pagri-reveal pa niya, hindi nakasuot ng t-shirt si Luis kung matulog.


"Naka-sando po siya ng butas-butas kung matulog. Kasi nga ho, gusto niya, maginaw.


Ganoon po talaga siya. Nakakatuwa po siya. Sabi ko, 'Love, gusto mo ba na bilhan kita ng mga sando?'


Maski si Momskie, ang ireregalo sa kanya, mga sando, mga t-shirt, tapos nakikita nila kapag nasa bahay lang si Luis, may mga butas sa kili-kili. Para raw po mas presko," tuluy-tuloy na kuwento ni Jessy.


Pero nilinaw agad ni Jessy na hindi naman "bacon" ang mga underwear ni Luis.


"Hindi naman kasi ako po ang bumibili," sabay tawa ni Jessy. "Lagi ko siyang binibilhan ng underwear. Kasi nakikita ko, 'Ano ba 'yan, Love, 'yung underwear mo, may butas na.' Si Luis po kasi, hindi materialistic na tao."


Pero iba-iba raw ang brand ng underwear ni Luis, may branded at may inorder lang sa online ni Jessy.


Awww! How sweet!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page