top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Ngayong lockdown uli… WILLIE, MAY PA-BIGAS SA MGA DRAYBER NG DYIP

  • BULGAR
  • Mar 30, 2021
  • 2 min read

Erlinida Rapadas - @Teka Nga! | March 30, 2021




Balik-ECQ na naman sa NCR ngayon at marami na namang jeepney drivers ang hindi makakabiyahe at mawawalan ng pagkakakitaan.


Balik na naman sila sa kalye upang mamalimos at humingi ng ayuda sa mga taong may mabubuting puso.


Tiyak na to the rescue na naman si Willie Revillame dahil hindi sila natitiis ng Wowowin host. May inihanda na si Revillame na kaban-kabang bigas upang maipamahagi sa mga nangangailangan sa panahon ng lockdown.


At last week, isang 15-yr.-old na estudyante na si Judy Anne Agustin ng Tarlac ang pinalad na mapanalunan ang P1 M cash sa Pera o Kahon segment ng Wowowin sponsored by Shopee.

Napakalaking tulong na ito para sa pamilya ng nanalong viewer ng Wowowin/Tutok To Win, lalo na ngayong may pandemya.


Kaya naman, mas dumami pa ang tumututok ngayon sa programa ni Willie Revillame. Lahat ay nagbabakasakali na matatawagan ni Willie at mananalo ng cash na ipinamimigay sa programang Wowowin.


Sa panahon ngayon na bagsak ang ekonomiya ng 'Pinas at marami ang nawalan ng hanapbuhay, ang P20K o P30K ay malaki nang halaga para maka-survive ang isang pamilya.


Kaya ganu'n na lang ang pasasalamat kay Willie ng mga taong natatawagan kapag oras ng Wowowin/Tutok To Win. May ilang naiiyak sa tuwa dahil malulutas na ang problema nila sa kanilang mga bayarin. Meron namang abut-abot ang pasasalamat dahil may pambili na ng pagkain para sa pamilya. At ang iba naman ay may pambili na ng gamot para sa mahal sa buhay na maysakit.


Ang mga ganitong pagtulong na ginagawa ni Revillame ang isa sa malalaking dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi niya madesisyunan kung tatanggapin ang alok sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte na pumasok sa political arena at tumakbo sa mataas na puwesto sa darating na 2022 elections.

Paano niya iiwan ang mga taong umaasa sa tulong ng kanyang programa?


Sa ngayon ay financially stable na si Willie. Hindi na niya kailangan ang sobra-sobrang yaman. Masaya na siyang nakakatulong sa mga biktima ng kalamidad at tumutulong sa panahon ng COVID pandemic.


Wala siyang hinihintay na kapalit at kabayaran sa kanyang pagkakawanggawa. At hindi kasama sa kanyang pangarap noon ang maging isang pulitiko.


Pero, kung iaadya ng tadhana, mangyayari ang lahat… kapag itinakda!







Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page