Ngayong hiwalay na sila ni Kathryn… WISH NG FANS: DANIEL, 'WAG NANG BIGYAN NG KA-LOVE TEAM
- BULGAR
- Feb 12, 2024
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | February 12, 2024

Ngayong Lunes (February 12), sa ganap na 12:20 PM, pipirma ng kontrata sa ABS-CBN at Star Magic si Daniel Padilla, kaya mananatili siyang Kapamilya.
Isasabay na rin yata ang announcement ng mga projects na kanyang gagawin at ang sabi, may big announcement of project ang aktor. Kung ano ito, malalaman din after ng contract signing.
Masaya ang mga fans ni Daniel sa patuloy na suporta at tiwala sa kanya ng ABS-CBN at Star Magic. Ang wish nila, mabigyan ng chance ang aktor to shine as a solo performer.
‘Wag na raw sana siyang ikahon sa love team dahil marami pa siyang maibibigay kahit mag-solo siya.
Samantala, ang gandang tingnan ni Daniel at ng sister niyang si Carmella o Lella Ford na magkasayaw sa debut ng huli. Ramdam ng mga fans ni Daniel na mahal niya ang youngest sister lalo’t siya ang tumayong ama nito. Hindi lang daw kay Lella tumayong ama si Daniel, kundi pati sa iba pa niyang kapatid.
Sabi nga ng isang fan ni Daniel, “DJ took the responsibility of being a father to his siblings and provided for his family at an early age... he’s not perfect but he’s a doting son.”





Comments