top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Ngayong 2021 lang umamin pero… BEA AT DOMINIC, BUKING NA 2 YRS. NANG MAGDYOWA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 8, 2021
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 8, 2021





Bale two years na pala ang relasyon ngayon nina Bea Alonzo at Dominic Roque.


Memorable para kay Dominic ang November, 2019 dahil doon daw nagsimula ang closeness nila ni Bea noong nag-tour sila sa Japan.


Kaya naman, itinuturing na ni Dominic na second anniversary nila ng kanyang “Hun” ngayong November, 2021, kahit last August, 2021 lang sila umamin sa kanilang relasyon.


Going strong pa rin ang kanilang relasyon ni Bea pero wala pang proposal na magaganap. Alam ni Dominic na nakatali pa sa kanyang kontrata sa GMA Network si Bea, at may mga movie projects na natanggap bukod pa sa kanyang mga endorsements na gagawin.


Kaya naman, hindi niya pine-pressure at inaapura si Bea. Ine-enjoy na lang nilang pareho kapag may libreng oras na puwede silang magsama.


Basta sa ngayon, happy and peaceful ang lahat para sa magkasintahan. Konting panahon na lamang ay pupuwede na silang mag-settle down at bumuo ng sariling pamilya. ‘Yun naman ang ultimate dream ng mga magkarelasyon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page