Ngayon lang daw naging ganito kasaya… DEREK, GUSTUNG-GUSTO ANG KABALIWAN NI ELLEN
- BULGAR
- Jan 4, 2022
- 2 min read
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | January 04, 2022

If plans push through, nakatakdang lumipad patungong Africa ang mag-asawang sina Derek Ramsay at Ellen Adarna ngayong Enero para sa kanilang honeymoon. Kasama nilang aalis ang anak ng aktres kay John Lloyd Cruz na si Elias.
Matatandaang ikinasal last November sina Derek and Ellen sa Bataan.
Sa kanyang Instagram Story ay nagpa-Q&A si Derek sa kanyang mga followers at isa sa mga naitanong sa kanya ay kung ano ang nilu-look forward niya this 2022.
“I’m really looking forward to our honeymoon where we will be bringing this little boy (Elias) to Africa,” sagot niya.
Natanong din kung plano pa nilang magka-baby ni Ellen at sey ni Derek, “Yes, probably next year. I want a boy, Ellen wants a girl.”
Isang follower niya rin ang nagtanong kung kumusta ang married life.
“Married life is beautiful. It’s wonderful,” aniya.
When asked kung happy ba siya, sagot ng aktor, “I have never been this happy in my life.”
Tanong ng isang netizen, “How do you feel about Elias?”
Derek replied, “I love this boy so, so much! So, so much!”
Natawa naman ang aktor nang may magtanong kung bakit ang perfect nila together ni Ellen.
“Alam ko na sagot ni Ellen dito, ‘coz she’s perfect. She is,” sey ni Derek.
Natanong din kung nagseselos ba siya sa ibang lalaki na malapit kay Ellen.
“Hindi po ako seloso. Alam ko naman na loyal ang aking asawa. So, bakit ako magseselos?”
aniya.
At sa tanong kung ano ang best qualities ni Ellen bukod sa pagiging good mom kay Elias, sagot ni Derek, “She’s smart, she is real and she makes me laugh. Not a lot of people know that Ellen has a really good sense of humor.”
May nagtanong din kung paano niya natatagalan ang craziness ni Ellen and he replied, “I love her craziness.”





Comments