top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Neymar, football superstar, nagpositibo sa COVID-19

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 4, 2020
  • 1 min read

ni MC - @Sports | September 4, 2020




Ikinadismaya ng sports fans ang balitang nagpositibo sa coronavirus ang kanilang idolong si football star Neymar Da Silva Santos, Jr., o mas kilala sa tawag na Neymar.


Ayon sa ulat, isa si Neymar sa tatlong Paris Saint-Germain na tinamaan ng virus matapos ang Champions League. Agad naman umanong isinailalim sa isolation ang tatlong manlalaro upang maiwasan ang hawahan ng virus.


Kinilala ng Parus Saint Germain ang dalawa pang nagpositibo sa virus na sina Angel Di Maria at Leandro Paredes. Tuluy-tuloy pa rin umano ang gagawin nilang pagsasailalim sa COVID-19 test sa mga staff at manlalaro ng koponan bilang bahagi pa rin ng pag-iingat kontra sa coronavirus pandemic.


Naniniwala ang koponan na nahawa ang mga manlalaro sa holiday trip sa Spanish Meditteranean Island na Ibiza matapos ang pagkatalo ng koponan sa Bayern Munich sa katatapos na Champions League.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page