top of page
TEKA NGA - KATHRYN, OBYUS NA WALA NANG GANANG UMARTE-FB Netflix.jpg

Next Robin daw ng Senado… COCO, PINATATAKBONG SENADOR

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 9
  • 3 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | June 9, 2026



SPECIAL - COCO, PINATATAKBONG SENADOR-IG _cocomartin_ph

Photo: IG _cocomartin_ph



It seems sobrang dismayado at desperado na talaga ang maraming kababayan natin sa nangyayari ngayong kaguluhan sa Senado.


Kaya naman pati ang nananahimik na pangalan ni Coco Martin na magbabalik sa seryeng Sigabo kasama si Julia Montes ay idinawit na ng ilang netizens at may ilang nag-suggest na bakit daw hindi na lang ito tumakbong senador sa 2028 para mapalitan na ang mga mambabatas nating punumpuno ng isyu at may mga kaso pa.


At dahil idolo ng masa si Coco, may mga naniniwalang kapag naging senador ito ay makakagawa ng batas na para talaga sa mahihirap dahil dito rin naman talaga nanggaling ang aktor.


Pero hindi pa man, may mga kumokontra na agad sa ideya na tumakbong senador si Coco Martin. 


Magiging next Robin Padilla at Sen. Lito Lapid lang daw ito sa Senado at mamaliitin lang ng mga edukado at totoong may alam sa batas.

Narito naman ang ilang nakakatawang komento mula sa mga netizens…


“Magiging action movie ang Senado, mahirap kalaban si Coco Martin, kahit anong baril gamitin mo d’yan at ilang tama ng bala ang pumasok sa katawan n’yan, nabubuhay pa rin. Puwede ‘yan si Coco ‘pag GERA ang labanan, ‘di namamatay sa tama ng bala.”


“Letter K. As in. Katatawanan. Kakulangan katangahan kabobohan kahinaan.”

“Makuntento na kayo sa pagka-artista n’yo. Baka maging Robin Padilla din kayo, sayang lang, idol pa naman namin kayo sa mga pelikula n'yo.”

So, ayun na nga!!!





Mga nag-aabang, shocked… TAKBUHAN-TULAKAN SA NAIA 3, DAHIL KAY LINDA WALKER



Linda Walker - Zhang Yingfei


Dumating na sa ‘Pinas ang sumikat na Chinese actress sa Chinese vertical series na The Heiress Who Won With Brains na si Zhang Yingfei a.k.a. Linda Walker nu'ng Linggo, bandang 11:30 nang gabi.


Medyo nagkagulo at nagkatulakan dahil sa sobrang higpit ng marshalls na nag-escort kay Linda Walker palabas ng gate ng NAIA 3.


Sa Conrad Hotel dumiretso ang aktres at kinabukasan ay nagkaroon ng courtesy call kay Manila Mayor Isko Moreno.


Ngayong tanghali naman ay haharap sa press para sa grand mediacon sa Luxent Hotel si Zhang Yingfei.


Sa paanyaya ng FFCCCII (Federation Of Filipino Chinese Chambers Of Commerce & Industry, Inc.), dumating sa ‘Pinas si Linda Walker upang i-promote ang adbokasiya ng organisasyon na hikayatin ang mga mag-aaral na pahalagahan ang edukasyon tulad ng kanyang karakter sa series.


Magkakaroon din ng school tour si Linda Walker sa ilang piling pampublikong paaralan sa Quezon City.


Samantala, mas maganda pala sa personal si Zhang Yingfei. Matangkad ito at balingkinitan at kahit walang make-up ay head-turner dahil sa makinis na mukha.

Puwede kaya siyang gumawa ng movie o TV guesting dito sa atin?

Abangan!





MATINDI ang ingay ngayon sa socmed tungkol sa opisyal na mainstream screening ng Habang Nilalamon Ng Hydra Ang Kasaysayan ni Dustin Celestino na unang ipinalabas noong Oktubre 2025 sa Cinemalaya.


Maingay ang sigaw ng mga kabataan at estudyante na sana’y dumami pa ang mga sinehan na magpapalabas ng political-drama na ito na pinagbibidahan nina Zanjoe

Marudo, Mylene Dizon, Jojit Lorenzo, Nanding Josef, at Dolly de Leon.


Napapanahon ang Hydra lalo na ngayong maraming hinaharap na pagsubok ang bansa ang mga mamamayan lalo na sa estado ng ekonomiya at pulitika rito sa Pilipinas.


Mapangahas ang Hydra sa pagsiwalat sa mga realidad ng socio-cultural at political conflicts at kung paano nito naaapektuhan ang buhay at moralidad ng mga tao.


Layunin ng mga teachers na ipapanood ito sa kanilang mga estudyante para malaya nilang mapag-uspaan sa paaralan ang mga isyung panlipunan.


Pero paano nga naman ito mapapanood kung sa iilang mga sinehan lang ito mapapanood?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page