Next na kina Bea at Vincent? DOMINIC AT SUE, KASAMA ANG WEDDING SUPPLIER, PIKTYUR KUMALAT
- BULGAR

- 2 days ago
- 3 min read
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | July 17, 2026

Photo: IG _dominicroque
Sina Dominic Roque at Sue Ramirez kaya ang susunod na ikakasal?
Ito ang topic sa Showbiz Update (SU) vlog nina Ogie Diaz, Ate Mrena, Tita Cora, Tamerlane Mopia at Mama Loi kagabi.
May nakitang post sina Ogie sa social media na kasama nina Dominic at Sue ang team ng wedding and events supplier na tila katatapos lang ng meeting.
Ang ganda ng ngiti ng celebrity couple kaya napaisip ang mga hosts na baka may mahalagang pinag-usapan.
Sabi ni Ogie, “Tinanong kasi ng mga tao, since nandu’n na ‘yung mga wedding, events planner, and supplier, ano ‘to? Ikakasal na ba sina Dominic at Sue?”
At bilang isang event planner din si Mama Loi ay sinang-ayunan niya ang komento ng co-host niya, pero baka hindi raw ito tungkol sa kasal kundi para sa nalalapit na kaarawan nina Dom at Sue sa darating na Hulyo 20.
“Meron ngang event na magaganap, pero ‘di wedding. Eh, kasi nga, magse-celebrate ng birthday itong si Dominic Roque at si Sue Ramirez nang sabay kasi sabay ‘yung birthday nila,” paliwanag ni Mama Loi.
Oo nga naman, kasi kung tungkol ito sa kasal ay parang nauna pa itong planuhin kaysa sa marriage proposal.
And for sure, surprise ito ni Dom kay Sue if ever maisip na niya ito.
At muling balikan ang sinabi ng aktres na gusto na niyang magkaanak at siyempre, si Dominic ang ama, na naniniwala si Sue na magiging good at ideal dad ang kanyang boyfriend.
“Nakikita ko how he is with his family. Mahal na mahal n’ya ang mga pamangkin niya. Even with my dogs, ang laki ng puso n’ya at napakabuti n’ya,” paglalarawan ni Sue kay Dominic.
Kaya ang aabangan ay kung kailan magpo-propose ang aktor.
KINLARO ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman na si Atty. Don Artes na hindi suspendido si Gabriel Go, ang MMDA Special Operations Group-Strike Force head na sumita sa isang guro na hindi nakasuot ng helmet habang sakay ng kanyang motorsiklo.
Napanood namin ang post ni Gabriel Go sa kanyang Facebook account kung paano niya hinuli ang guro.
Tinanong nito kung ano ang trabaho nito at sinagot siya ng lalaki na teacher.
“Teacher ka, tapos wala kang helmet? Paano naman natin tuturuan ang ating mga estudyante kung ganu’n?” katwiran ni Gabriel Go.
In fairness, humingi ng paumanhin ang guro at nakiusap na huwag siyang kunan ng video dahil kilala siya sa lugar na iyon.
Sabi naman ni Go na ibe-blur naman ang mukha at huwag na lang banggitin ang pangalan.
Nagulat na lang daw ang guro nang makita niyang ipinost ito ni Gab Go sa kanyang Facebook (FB) account na blurred naman ang mukha.
Nag-react ang ACT Teachers Representative na si Antonio Tinio at tinawag na abusado ang ginawang pagsita sa guro gayung nakiusap na itong huwag siyang kunan ng video.
Ayon kay MMDA Chair Artes ay iimbestigahan ang pangyayari kaya hindi muna sasama si Gabriel Go sa operations at nilinaw na hindi siya suspendido.
Samantala, may komento naman si Go sa mga bumatikos sa kanyang netizens.
Aniya, “Ang problema natin sa kalsada transcends beyond mga motorista or mga naglalakad, whatever your profession, you are never ENTITLED FOR EXEMPTION.
“This goes to show that the problem of disorder on our streets is not just about the implementation of the law. It also raises questions about the role of our schools in shaping discipline, responsibility, and respect for rules. Schools are meant to be a second home, and teachers are expected to serve as guardians and role models for the youth.
“In fact, educators are expected to uphold a higher standard because their actions influence the next generation.
“Ang mas nakakalungkot, nahuli na nga dahil sa paglabag, nag-attempt pa umanong tumakbo. Kung ganito ang ipinapakitang halimbawa ng ilan sa mga inaasahan nating humuhubog sa kabataan, marahil panahon na ring pagnilayan kung paano natin mas mapapalakas ang kultura ng accountability, disiplina, at pagiging huwaran sa loob ng ating educational system.”





Comments