Next daw sa kanya… MR. M, KUMANTANG MAY MGA TAGA-DOS NA GUSTONG LUMIPAT SA SIYETE
ni Nitz Miralles - @Bida | July 14, 2021

Pormal na ngang ipinakilala kahapon, Martes at 11 AM sa GMA Network si Mr. Johnny Manahan after ng virtual contract signing niya sa GMA.
Ang opening statement niya ay “I’m so happy to be here! Kapuso na ako. Thank you!”
Magiging consultant siya ng GMA Artist Center and one of his tasks is developing new breed of talents at ii-improve ang looks at ie-enhance ang acting potential ng mga Kapuso stars.
“At the moment, we are looking at their setup (GMAAC), anything that can be improved with their operation, pero maganda na ang operation nila. Overall, goal is to develop new breed of GMA artists, new breed of ambassadors. With GMA team, pinag-aaralan na namin at nakikita ko ang mga isyu sa styling, issue on imaging, how we can market them and help them create their authentic persona. Help them reach their potential."
Gusto ni Mr. M and his team na ma-meet ang mga Kapuso artists by group or solo-solo to know them and know their range, lalo at binigyan din siya ng power na “makisawsaw “ sa casting, kung sino ang dapat ilagay sa teleserye.
Binanggit din daw ni Atty. Felipe Gozon na i-check ang isang variety show (All-Out Sundays) to know kung ano pa ang dapat i-improve at gagawin niya nang wala raw siyang aapakan.
Sabi rin ni Mr. M, gusto niyang makilala at maging friends ang work force ng GMAAC at ng GMA. In-assure rin nito ang GMAAC team na makakasundo nila ang dalawang Star Magic staff na kanyang naisama sa GMA. Makakatulong daw ito sa kanya at sa GMAAC. Hindi niya pinangalanan kung sino ang dalawang ito.
“We’re not here to replace anybody. Consultant lang kami and if we can bring people to make it smoother. Pumayag sila (GMA management) and they are very friendly (his team),” pag-a-assure ni Mr. Manahan.
Ikinuwento ni Mr. M kung paano siya naging Kapuso. May friends daw siya sa GMA na nagtanong if interested siya working with the network.
“Sabi ko, let’s talk at maganda ang inilatag nila and I can’t refuse their offer. It’s work and I can’t refuse work. After some point, I said yes, we said yes.”
Ano ang totoong nararamdaman niya na Kapuso na siya?
“Parang nabuhay ako uli. I have this passion of training artists at gagawin naming lahat para umusbong ang mga personality nila, their authentic personality. I feel light, very buoyant lalo na nang makilala ko ang mga executives ng GMA, napaka-friendly nila at mababait. I hope we can be all friends.”
Sa mga Kapuso artists na gustong makatrabaho ni Mr. M, nabanggit nito sina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Alden Richards at Heart Evangelista.
“People like Alden. He’s a very nice boy, very capable. Of course, Mr. Dantes and his wife, Marian. I’d like to meet her. And Heart Evangelista, I think she’s our permanent artist, our permanent baby. Wherever we go, somehow we get a phone call from her or a card.”
Inalala rin ni Mr. M na minsan siyang nagtrabaho sa GMA, during Martial Law, sa show ng mom niyang si Elvira Manahan, sa special na ginawa ni Lino Brocka at nag-guest siya sa Uncle Bob Show bilang kasama sa isang folk group.
Nabanggit din ni Mr. M na may Kapamilya talents na gustong sumama sa kanya sa GMA nang malamang lilipat siya. Ang payo niya ay to finish their contracts. Again, wala siyang pinangalanan kung sino. Abangan na lang daw.
Sabi pa ni Mr. M, nami-miss niya ang dating mga katrabaho sa ABS. Pero bakit siya umalis?
“I left because iba-iba na mga tao doon, hindi na ABS."





Comments