top of page
Search
  • BULGAR

Never say die… BARBIE, 3 BESES NAG-AUDITION NA YOUNG MARIAN, LAGING BAGSAK

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 30, 2024



File photo
File photo: Barbie Forteza


Natutuwa kami sa pa-throwback ni Barbie Forteza sa interview sa kanya ni Boy Abunda. Ayon kay Barbie, tatlong beses siyang nag-audition noon para sa role ng young Marian Rivera sa seryeng Marimar, Dyesebel at Darna


Hindi siya natanggap sa Marimar dahil takot siya sa aso. May alagang aso kasi noon ang character ni Marian na si Marimar


Sa Dyesebel naman ay hindi siya pumasa dahil hindi siya marunong lumangoy.

At sa Darna, bagsak din si Barbie dahil may fear of heights (matinding takot kapag nasa mataas na lugar) siya.


Gayunpaman, kahit ilang beses na-reject sa audition noon si Barbie Forteza, hindi siya basta sumuko dahil talagang hilig nito ang pag-arte.


Kaya kahit ano'ng role ay tinatanggap niya, kahit na hindi siya ang bida. At nagbunga naman nang maganda ang kanyang sipag, tiyaga at dedikasyon sa trabaho.


Well, ‘di maikakaila na nagkasunud-sunod ang kanyang mga projects sa GMA Network, at maging sa pelikula ay nabigyan siya ng mga challenging roles.


Sa ngayo’y isa na si Barbie Forteza sa mga top GMA artists at may malawak nang fan base. 


Napansin ng mga viewers ang kanyang role sa historical seryeng Maria Clara at Ibarra, kung saan maraming kinilig sa love team nila ni David Licauco, kaya muli silang pinagtambal sa upcoming seryeng Pulang Araw kasama rin sina Alden Richards at Dennis Trillo.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page