top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Never na raw magbabalikan, pero… BARBIE AT DIEGO, TOGETHER AGAIN, PIKTYUR KUMALAT

BULGAR
Mar 6, 2022
3 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 6, 2022




Viral ngayon ang picture na magkasamang nag-night-out ang ex-sweethearts na sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga.


Makikita sa larawan na bagama't magkatabing nakaupo sa bench sa labas ng resto sina Barbie at Diego, may parang bag o something sa pagitan nila.


Parehong nakangiti sa camera ang dalawa, kaya obviously, alam nilang kinukunan sila ng picture.


Ayon sa caption ng FB post, galing sa isang "Marites" ang ipinadalang picture na diumano, kuha lang nu'ng March 3, 2022 at 12 midnight sa Pasig City.


Kaya ang tanong ng madlang pipol, nagkabalikan ba ang dalawa o nagkaroon ng closure?

Kung matatandaan, sa magkahiwalay na interview nina Diego at Barbie ay inamin nilang hiwalay na sila at parehong nagmu-move on na at tipong wala nang balak makipagbalikan sa isa't isa.


Kaya sa comments ng mga netizens sa picture ng dalawa, ipinaalala kay Barbie ang sinabi niyang "self love" dahil baka maging marupok na naman siya at kainin ang sinabing hindi na babalikan si Diego.


Just asking, pa'no na kaya 'yung Viva artist na si Debbie Garcia na nali-link ngayon kay Diego at naisulat nga namin last time na nakitang kasama ng aktor sa bar?


Well, may bagong issue na naman na dapat sagutin sina Barbie at Diego — 'yan ay kung totoo nga bang nagkabalikan sila o pormal lang na tinapos ang kanilang relasyon.

Abangers tayo, guys!




Puring-puri at bilib na bilib si Ms. Aileen Choi Go, Megasoft’s Vice-President for Sales and Marketing sa kanilang endorser ng Sisters Sanitary Napkins and Pantyliners na si Myrtle Sarrosa dahil napakabait daw ng aktres-singer-cosplayer at never silang nagkaproblema rito bilang endorser.


Sa ginanap na signing ng contract renewal ni Myrtle kamakailan bilang pang-anim na taon na niyang endorser ng Sisters Sanitary Napkins and Pantyliners, naikuwento ni Ms. Aileen kung gaano ka-professional, kasipag, ka-dedicated, ka-hardworking at cooperative si Myrtle, lalo na sa kanilang mga school tour sa iba't ibang panig ng Pilipinas nu'ng wala pang COVID pandemic.

May mga times nga raw na sinasabihan na niya si Myrtle na 'wag nang bumaba sa stage sa kanilang mga mall shows bilang promo ng Sisters Sanitary Napkins and Pantyliners para hindi na dumugin at pagkaguluhan ng mga fans kung saan minsan ay nakukurot at nakakalmot ang aktres, pero ayaw daw magpaawat ni Myrtle, talagang bumababa pa rin para maiparamdam sa kanyang mga kapwa kabataan ang pasasalamat sa pagsuporta at pagtanggap sa kanya.


No wonder, sobrang satisfied si Ms. Aileen kay Myrtle kaya nga tumagal ang kanilang relationship nang 6 yrs. at hindi na lang bilang endorser ang tingin ni Ms. Aileen sa aktres kundi "little sister" na.


Proud na proud din si Ms. Aileen kay Myrtle bilang endorser dahil good influence ito sa mga kabataan lalo na sa kanilang advocacy na good education and proper hygiene management.


Sabi naman ni Myrtle who graduated cum laude sa University of the Philippines-Diliman, Sisters have been a great help to reach out to the youth and encourage them to enjoy school.


Aniya pa, “We have inspired thousands of students, we have helped multiple schools and we have been a part of the movement to which we make school fun and award all the students and teachers for all that they do. Nakakatuwa din having the opportunity na tulungan 'yung iba't ibang school sa kanilang facilities and create events para sa kanila to empower them.”


“My little sister Myrtle embodies Sisters Feminine Care Brand tagline ‘School is cool’ since we started our nationwide campus tour in 2016. She sets the bar of an excellent role model for the young ones to finish their studies amidst challenges and juggling demands of show business,” pahayag naman ni Ms. Aileen.


Dahil sa pandemic, pansamantalang natigil ang school tour ng Sisters pero soon, muli na namang maglilibot ang Megasoft team sa pangunguna nina Ma'm Aileen at Myrtle para personal na makasalamuha ang mga students.


Ms Aileen says, “We are excited to resume physical events, participate in festivals and school tours nationwide as promised when alert levels will be lifted ASAP.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page