Never daw nakipag-date sa iba... NADINE, UMAMING TULOY PA RIN SILA NI JAMES
- BULGAR
- Jun 20, 2021
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | June 20, 2021

Sa isang panayam, natanong si Nadine Lustre kung nakikipag-date ba siya sa ibang guys after nilang mag-break ni James Reid.
Tahasang sagot ng aktres, “I’m so busy.”
Focused daw siya sa kanyang trabaho kesa sa romantic relationship with another person.
Kahit hindi na rin daw sila ni James, aniya, "We are so close pa rin."
Aniya sa King of Talk na si Kuya Boy Abunda, “I’m definitely not seeing anyone. I’m so busy, Tito Boy. I have no time.
“Plus, I really told myself I’m just going to work on myself.”
Samantala, na-impress naman ang mga netizens nang maispatan nilang magkasama ang ex-couple sa Tondo para magbigay ng tulong sa mga taong nangangailangan ng tulong.





Comments