Never daw nag-deny… RIA: WALA KAMING OBLIGASYON NI ZANJOE NA IPAALAM SA LAHAT NA BUNTIS AKO
ni Julie Bonifacio @Winner | June 17, 2024

Umani ng batikos ang paglalantad at pag-amin mismo ni Ria Atayde sa socmed (social media) na buntis siya sa anak nila ni Zanjoe Marudo.
Kasabay ng pagdiriwang ng Father’s Day, binati ni Ria ang kanyang mister na si Zanjoe bilang first time father sa kanyang Instagram (IG) post kahapon.
First time ring inilantad ni Ria ang kanyang hitsura ngayon via her IG post. Ipinost ni Ria ang piktyur nila ni Zanjoe sa isang beach kung saan naka-two-piece siya at maumbok na maumbok ang kanyang tiyan.
Caption ni Ria, “To the dad you already are and the dad I know you’ll be. Love you @onlyzanjoemarudo, so excited for this new chapter with you.”
Matatandaan na may speculations ang mga Marites sa tila pakiramdam nila sa biglaang pagpapakasal ni Ria kay Zanjoe. Mabilis na umugong ang duda ng mga netizens na buntis si Ria kaya biglang nagpakasal.
Comment ng isang netizen sa IG post ni Ria, “Kaya pala ikinasal na, buntis si Ria. Congrats!”
“Kunwari nagulat tayo.”
“Hahahaaha, tapos nag-deny pang buntis. Susme.”
Hindi pinalampas ni Mrs. Marudo ang huling comment ng netizen at kanyang sinagot.
Sey ni Ria, “We never denied anything, Madam. We just didn’t think we owe anyone an announcement.”
Inulan din ng paninita mula sa mga followers/fans ni Ria ang nang-bash sa kanya.
“Puwede naman mag-congrats lang, ‘di ‘yung may intro pa. Just saying.”
“Toxic mo.”
“Let’s just be happy for them. Children are always blessing from God. I’m happy for them and really like @ria for @onlyzanjoemarudo.”
“Response to a tasteless comment, brava! Happy Fathers’s Day to Zanjoe! And, wishing you a healthy and safe pregnancy!”
Bagay daw kina Alden at Kathryn… ANNE, TODO-HINAYANG NA ‘DI SA KANYA NAPUNTA ANG QUEEN OF TEARS

As early as now, may producer na agad na nakakuha ng rights para sa Philippine adaptation ng bagong bukambibig sa socmed (social media) ‘di lang ng mga Pinoy viewers kundi maging ng mga sikat na celebrities, ang Queen of Tears (QoT).
Isa na nga ang It’s Showtime host na si Anne Curtis sa mga baliw na baliw sa naturang K-drama.
Sa mediacon pala ng bagong teleserye na gagawin niya ay naikuwento ni Anne na hiniling niya sa kanyang management na kunin ang rights ng Queen of Tears para sa Pinoy adaptation nito. Sobra ang panghihinayang ni Anne when she found out about this at ikinalungkot pa raw niya na ang nakakuha ay isang content provider, hindi TV network.
Bukod kay Anne, may isa ring TV network ang interesado na gawin ang Philippine adaptation ng QoT, pero gaya ng aktres, bigo rin ito.
Post sa X (dating Twitter) ng netizen, “Hindi nakuha ng isang TV network ang rights para gawan ng Philippine adaptation ang hit Korean drama na Queen of Tears. Ayon sa source, nakuha na raw ito ng isang ‘content provider’ kasama ang isa pang hit K-drama series na True Beauty na gagawan ng PH adaptation.”
Sa X din may nag-post ng comment kaya nalaman namin ang tsika kung ano ang name ng ‘content provider’ na nakakuha ng rights for PH adaptation.
Recently, nagkaroon ng renewal of contracts ang CJ Entertainment at ang nasabing content provider para sa pagpapalabas ng kanilang mga K-drama sa bansa. Kasunod nito ang pagkuha sa rights ng mga nasabing hit K-drama series na gagawan ng PH adaptation.
Sey ng nga netizens:
“So ABS-CBN content provider ang nakakuha ng rights sa 2 ‘yan? Very good.”
“Viu raw ang nakakuha.”
Puwede lalo pa’t sunud-sunod ang partnership ng Viu with ABS-CBN. Ang latest ay itong What’s Wrong With Secretary Kim nina Kim Chiu at Paulo Avelino.
Ang balita namin, kinukuha ng ABS-CBN ang aktres na si Nadine Lustre para sa Philippine adaptation ng True Beauty. ‘Di lang namin sure kung sino ang bagay na mga bida para sa PH adaptation ng Queen of Tears.
Pero suggestion ng mga netizens na gumanap sa PH adaptation ng QoT ay walang iba kundi sina Kathryn Bernardo at Alden Richards.
Anyway, heto ang reaksiyon ng mga netizens sa balitang ito…
“Sobrang ganda ng QOT, sobrang magiging mataas ang expectation sa magiging PH adaptation nito.”
“I’m not a fan of adaptation, you cannot compete with the original. Why not just make a good quality TV series, ‘yung masasabi mo talaga na gawang Pinoy, ‘yung pinag-isipan. Or better yet, ‘yung original i-tagalised na lang, mas mataas pa ratings.”
“I still advocate for original content, but most people don’t even support local films and clearly prefer foreign work so I understand why adaptations are so popular.”
Sabeee.





Comments