top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Netizens, napa-sana all na lang… HEART, IDINISPLEY ANG APARTMENT SA PARIS KASAMA SI CHIZ

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 20, 2024
  • 1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | January 20, 2024



Photo : Heart Evangelista / IG


Ang ganda ng apartment sa Paris ni Heart Evangelista at masisilip ang parte ng kanyang living room sa post ng aktres kung saan kasama niya ang asawang si Sen. Chiz Escudero. 


Sa photo, parang pini-pictorial ni Chiz si Heart na naka-pose habang nakaupo sa couch na dogs ang design.


Simple lang ang caption ni Heart na “Life is one big adventure with you @escuderochiz” na umani ng positive feedback sa mga followers ni Heart sa Instagram. 


Husband and wife goals daw sina Heart at Chiz at may napa-sana ol pa sa pagiging supportive ni Chiz sa asawa.


May iba naman na ang apartment ni Heart na nasa Paris para sa Paris Fashion Week ang pinuri. Ipinasilip din kasi nito ang isang bahagi ng kanyang kitchen habang umaawra.


Excited na ang mga fans ni Heart sa pag-aabang sa kanyang post sa mga ganap niya sa PFW. Inaabangan din ang OOTD ni Heart at kung sinong celebrities ang kanyang makikilala at makakasama sa mga larawan.


And speaking of Heart, siya ang newest brand ambassador ng GCash at ang ganda ng tag line nilang “In my Heart, Gcash is the BEST WAY TO PAY.” 


Ang pagiging fashionista at influencer ni Heart ang hina-highlight sa ad campaign at tiyak na ‘yung wala pang Gcash ay maeengganyong mag-download ng app na ito.                     


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page