top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

NETIZENS, DUDANG RETOKADO LANG ANG PIKTYUR NI SHARON NA PAYAT NA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 20, 2021
  • 1 min read

Julie Bonifacio - @Winner | February 20, 2021





Ganado si Megastar Sharon Cuneta na mag-post ng kanyang full-body pictures on her social media accounts. At bakit nga ba hindi gayung ilang taon din niyang "na-miss" ang kanyang kaseksihan noong ‘80s hanggang ‘90s.


Obvious na proud na proud si Mega sa kanyang katawan ngayon kaya panay ang papiktyur at post niya sa social media.


Last Wednesday ay nagsimula nang mag-taping si Sharon para sa Your Face Sounds Familiar ng ABS-CBN at nag-post siya ng ilang piktyur niya na kuha backstage suot ang pink off-shoulder jumpsuit.


Pag-uwi ni Mega sa bahay ay nag-post ulit siya ng piktyur niya in a casual wear with a caption: "Just got home from work. Thank You, Lord for a wonderful taping day! #noeditinghuwaw."


Take note, may pa-hashtag na “no editing” ang piktyur niya, hah?


Napa-wow naman sa kaseksihan ni Mega ang kanyang mga celebrity friends/followers sa Instagram.


Pero sa kabila ng #noediting ni Mega, may mga netizens na nagdududa pa ring niretoke ang katawan niya sa piktyur. Kita naman daw kasi sa unang post ni Mega kung saan suot niya ang pink off-shoulder jumpsuit na may "katabaan" pa rin ang kanyang katawan.


Ganern?! Hala! Ano kaya’ng isasagot d’yan ng Megastar?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page