top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

NETIZEN KAY NADINE: ANG TABA MO NA, BAKA 'PAG SAWA NA BF MO, IWAN KA RIN

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 28, 2021
2 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | October 28, 2021





Isang netizen ang pumuna sa katawan ni Nadine Lustre habang naka-two-piece itong naglalakad sa beach sa Siargao.


Komento ng netizen sa post niyang larawan, "Why @hello_nadine ang chuba mo na, wala nang butt, wala nang curve. Sabagay, wala ka nang insecurities sa katawan kasi tanggap ka ni Chris kahit maging big ka pa. Kaso baka 'pag nagsawa at makakita ng mas bata, iwan ka rin. 'Wag magpabola kasi hindi ka naman bolang dini-dribble. Think once or thrice lagi."


Maigsi lang ang naging sagot ni Nadine, "Ew body shamer."


Super-tanggol naman ang mga faney ni Nadine sa kaniĺang idolo.


"How dare you bashers say things like that to people you don’t even know. Kahit kilala mo, kabastusan 'yan."


"Ganyan ka-EWWW mga bashers sa 'Pinas. D'yan lang sila magaling and I'm really glad that I don't live in the Philippines.


"Toxic people, nagtatago sa fake accounts para lang makapag-bash. Ano kaya hitsura nito?"


"I just noticed 'yung mga ganyan na bashers super chararat or 'yung mga oldies na nasa FB/Twitter/IG.


"So, magaling pala talaga siyang lumiyad and she knows her body. I think mas okay nga na she is familiar with her own body. Maraming maganda ang katawan, pero 'pag may cam, ang chaka."


"Girl, enough with liyad comment. She’s not the only person in the planet who does that to get the best shot and angle 'pag nagpapa-picture. You make it sound negative."


"She’s familiar with her body kaya nga alam niya 'yung good angle niya. Isa ka pa. Patingin nga figure mo."


"Hay, kaya toxic 'tong Filipino culture na ang bati or hello sa 'yo ng mga tao, eh, 'Uy, tumaba ka! Akala mo, ang pe-perfect ng buhay at katawan palagi nitong mga body shamers na ito!!!"


"Skinny fat naman talaga siya. Walang curves, boobs at butt. Pero magaling siyang mag-project na meron siya. I think mas may advantage 'yun kesa sa magandang katawan."


May nagsasabi namang hindi talaga sexy si Nadine kahit na umanggulo o lumiyad pa.


"Straight talaga katawan ni Nadine, walang curves. That's the truth. Happy??? Dami naman girls talaga na 'di sexy, walang curves. So what? Life is too short, enjoy the beach! Enjoy the water! Enjoy life! Kiber!"


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page