'Neneng' at habagat, joint forces
- BULGAR

- 6 hours ago
- 1 min read
ni Mai Ancheta @News | August 19, 2026

Photo: PAG-ASA - DOST
Isa ng tropical depression ang low pressure area na binabantayan ng PAGASA at ito ay pinangalanang "Neneng" na nakapasok na sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Si Neneng ang ikatlong bagyong nabuo sa PAR ngayong Agosto at posibleng hindi mag-landfall sa kalupaan subalit magpapalakas sa southwest monsoon o habagat.
Si Neneng ay nasa layong 1,025 kilometro na nasa dulong silangan ng Northern Luzon at kumikilos pahilagang kanluran sa bilis na 20 kph.
Samantala, isa pang low pressure area ang binabantayan ng PAGASA na nasa layong 450 kilometro kanluran ng Calayan, Cagayan.
Anuman ang magiging kalabasan ng mga ito, magpapatuloy ang habagat sa pagdadala ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon at Western Visayas sa susunod na 24 na oras.





Comments