Nawala sa TV dahil sa iskandalo… PAOLO, MAY ANAK NA KAY LARA MORENA
Erlinida Rapadas - @Teka Nga! | April 17, 2021

Labis kaming nanghihinayang noong iniwan ni Paolo Bediones ang GMA Network at lumipat sa TV5. Maganda na ang takbo ng career niya noon sa GMA-7 at sa kanya ibinigay ang pagho-host ng Extra Challenge at Survivor Philippines.
Marami rin naman siyang naging shows noon sa TV5. Pero, dahil sa iskandalo ay nadiskaril ang kanyang career.
Mabuti na lang at may naitayo siyang negosyo na kanyang pinagkaabalahan nang tuluyang mawala ang kanyang mga shows sa TV5.
Naging karelasyon pala ni Paolo ang dating sexy star na si Lara Morena. Nagplano na silang magpakasal pero naudlot dahil sa pandemya. May anak na sila ni Lara, isang malusog na baby girl.
Naghihintay na lamang sila na magbalik sa normal na sitwasyon ang lahat upang ituloy na ang kanilang pagpapakasal.
Well, sa dinami-dami ng naging GF ni Paolo Bediones, si Lara Morena pala ang nakatakda para sa kanya.





Comments