top of page
WINNER - ISA SA MGA HOSTS NA NANLAIT SA ANAK NI KRIS, NAGPAKITA NA SA NBI_FB Circulated.jp

Thankful daw na naging bahagi ng buhay niya… BEA, INAMIN NA ANG RELASYON KAY WILBERT

Writer: BULGAR
BULGAR
47 minutes ago
2 min read

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | October 21, 2026



TALKIES - BEA, INAMIN NA ANG RELASYON KAY WILBERT_IG _itswilbertross

Photo: IG _itswilbertross



Malaking bagay para kay Bea Binene ang tambalan nila ni Wilbert Ross, o mas kilala bilang WilBea, na naging bahagi ng kanyang mga tagumpay sa showbiz.


Sa panayam sa YouTube (YT) channel ng broadcast journalist na si DJ Chacha, ibinahagi ni Bea ang kahalagahan ng kanilang partnership ni Wilbert, hindi lamang bilang magka-love team kundi bilang magkatrabaho rin.


Tanong ni DJ Chacha (as is), “Sino ba si Wilbert sa buhay mo? If you can just give one word kung sino s’ya sa buhay mo ngayon, sino s’ya?”


Sagot ni Bea, “He’s a partner. Dahil sa work also, he’s someone na as in talagang naging partner din talaga. As in kumbaga, ito ‘yung sinasabi kong I’m thankful for this last year and this year. Parang itong success and everything na ano… malaking bagay naman talaga ‘yung WilBea, ‘yung love team namin.”


Korek, Bea! Iba talaga kapag may ka-love team na katuwang sa trabaho at tagumpay, ‘di ba naman, madlang people?





“HABANG may nagmamahal sa Sexbomb, mananatiling buhay ang legacy namin,” pahayag ng aktres-dancer na si Rochelle Pangilinan sa kanyang social media post. 


Nagpasalamat siya kasama ang buong Sexbomb Girls matapos nilang tanggapin ang P-Pop Icon Award sa 11th P-Pop Music Awards.


Ani Rochelle, “In behalf of the Sexbomb Girls, maraming-maraming salamat po sa 11th P-Pop Music Awards para sa pagkilalang ito. Sobrang laki po ng meaning nito sa aming lahat sa Sexbomb Girls, lalo na ngayong ang dami na ring taon ang lumipas.


“Sexbomb kami noon, Sexbomb pa rin kami ngayon. At habang may nagmamahal sa Sexbomb, mananatiling buhay ang legacy namin. Maraming salamat po!

“11th P-Pop Icon Award! Salamaaat!”


Isang malaking congratulations sa Sexbomb Girls. 

Get, get, aw!





Binati sa socmed…

DAWN, PROUD NA PASOK SA DEAN’S LIST ANG ANAK



SUPER proud mother ang aktres na si Dawn Zulueta para sa kanyang unico hijo na si Jacobo Lagdameo, na nagdiwang ng kanyang ika-21 kaarawan.


Sa Instagram (IG), nagbahagi si Dawn ng isang madamdaming birthday message para sa kanyang anak at binati rin ito sa muling pagkakasama sa Dean’s List.


Pagbati ng aktres, “Happy Birthday, our dearest @jacobolagdameo, and congratulations on making it to the Dean’s List again.


“Celebrating 21 years of you, my son. As you step into this new chapter of adulthood, remember that our love and support are always with you. May your 21st year be filled with big dreams realized and a heart that stays kind and true. Your Papa & I are so proud of you. God bless you ever more! #iloveyoujacobo.”


Samantala, bumuhos din ang birthday greetings para kay Jacobo mula sa mga kaibigan ng kanyang ina, kabilang ang broadcast journalist na si Karen Davila at businesswoman-philanthropist na si Alice Eduardo.


Saad ni Karen, “Happy Birthday, Jacobo! And congratulations. Being on the Dean’s List is no small feat.”


Pagbati naman ni Alice, “Happy, happy birthday, dear Jacobo, and congratulations — being on the Dean’s List!!!”


Hindi rin nagpahuli si Jacobo sa pagpapasalamat sa lahat ng nagpaabot ng birthday greetings sa kanya, lalo na sa kanyang ina.


Aniya, “I love you, Mama, and thank you, everyone, for the greetings.”


Anyway, happy 21st birthday, Jacobo, at isang malaking congratulations sa muli mong pagkakasama sa Dean’s List.


‘Yun lang, and I thank you.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page