Kumalat, na-bash… MARIEL, TODO-TANGGING TATAKBONG SENADOR KAPALIT NI ROBIN

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | October 21, 2026

Photo: IG _ann.tina
Apple of the eye na naman ng mga bashers ang wifey ni Sen. Robin Padilla na si Mariel Rodriguez dahil sa kumalat na balitang kakandidato ito bilang senador sa 2028 elections. Kaya, nagpadala kami ng message sa aktres-host kung totoo ito.
“I never even said that (emoji laughing face). Super fake news!” sagot ni Mrs. Padilla.
Nag-assume na ang mga bashers na baka si Mariel ang papalit sa mister sa Senado dahil wala na itong planong tumakbo sa susunod na halalan.
At ito rin ang sinabi ni Mariel nang tanungin siya kung kakandidato ang asawa. Diretsahan niyang sinagot na hindi na, tulad din ng sinabi ni Robin sa mga panayam niya.
Matatandaang nabanggit ni Sen. Robin na final na ang desisyon niyang hindi kakandidato sa 2028 elections kahit pa sa isinagawang latest survey ay mataas ang ratings niya.
Ang dahilan ni Robin kung bakit ayaw na niya sa pulitika ay gusto na niya ng tahimik na buhay at sa ibang bansa niya planong tumira kasama ang asawa at dalawang anak na sina Isabella at Gabriela.
Nasambit ding plano niyang tumira sa Islamic country para sa naaayon na pananampalataya ng dalawang anak. Isa pa, inamin ni Sen. Robin na dismayado siya sa sistema ng pulitika sa ating bansa.
Going back to Mariel, matagal na rin naman niya itong sinabi na ayaw niyang pasukin ni Robin ang pulitika dahil bukod sa mawawalan ng oras sa mga anak ay wala silang pondong gagamitin para sa kampanya. Pero nu’ng nagdesisyon ito, wala na siyang magawa kundi suportahan ang mister.
IIGTING na ang palaban era ni Billy!
Mas matapang at mabangis na Kathryn Bernardo ang mapapanood sa primetime television sa pagsisimula ng isang bagong yugto ng kanyang karakter na si Billy sa hit Kapamilya teleseryeng Someone, Someday, na pasok pa rin sa Top 10 shows sa Pilipinas sa iWant.
Tampok sa bagong poster ng serye ang agaw-pansing black-and-white portraits ni Kathryn na nagpapakita ng iba’t ibang emosyon ni Billy, hudyat ng kanyang mas matapang at walang-awang paninindigan na maningil ng hustisya.
Lalong tataas ang tensiyon sa mga susunod na episodes ng serye sa likod ng lumalalang financial crisis ng kumpanya ni Billy na ‘LoveList’, habang patuloy siya sa paniningil ng hustisya para sa kanyang pamilya laban kay Bea (Maja Salvador), sa kabila ng rebelasyong magkapatid pala sila.
Kasabay ng matitinding harapan, tuloy ang mga nakakakilig na eksena ng mag-best friend na sina Billy at Jordan (James Reid), lalo na’t hulog na hulog na si Jordan pero ayaw pa niyang aminin kay Billy na gusto niya ito.
Samantala, nasa panganib na rin ang buhay nila dahil target sila ni Caloy (McCoy de Leon), ang kakuntsaba ni Bea na nakatakas sa kulungan.
Malalagpasan kaya ni Billy ang malaking dagok sa buhay niya? Aamin na kaya si Jordan kay Billy?
Subaybayan ang Someone, Someday gabi-gabi, mula Lunes hanggang Biyernes, 8:45 PM sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube (YT) at Facebook (FB), at TFC. Napapanood din ito nang 72 hours in advance sa Netflix at 48 hours in advance sa iWant.
IPINAGDIRIWANG ng It’s Showtime (IS) ang kanilang ika-17 anibersaryo sa pamamagitan ng isang futuristic na opening number na tampok ang solo performances ni Vice Ganda (VG) at ng mga hosts ng programa.
Nakibahagi sa opening number kasama ni VG nitong Lunes (Oktubre 19) sina Vhong Navarro, Jhong Hilario, Karylle, Ogie Alcasid, Amy Perez, Darren Espanto, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Ryan Bang, Jackie Gonzaga, Ion Perez, at Cianne Dominguez, kasama ang Baby Dolls.
Nagpasalamat ang mga hosts sa madlang people sa patuloy na pagtanggap sa kanila sa nakalipas na 17 taon. Ibinahagi rin nila na tanging hangad nila ay maghatid ng saya sa mga manonood.
Sa unang araw ng Dis Is Ur Show Disisyete weeklong celebration ay nasaksihan ng mga manonood ang pagbabalik ng segment na Cash-Ya, kung saan muling nagharap ang Team Vice at Team Vhong.
Sinundan ito ng celebrity edition ng Ms. Q&A na tinawag na ‘Celebrity Talakera’, kung saan limang artista ang nag-transform sa kani-kanilang pageant character na may kani-kanyang bonggang personalidad.
Nag-transform si River Joseph bilang River Jean Phoa, si Vince Maristela bilang Disney Vincess, si Ralph Miaco bilang Ralph Mae Gento, si Ralph de Leon bilang Masaralph de Leon, at si Ryan Bang bilang Saranghae Ronimo.
Nagpatuloy sa ‘Beklamation’ sina Ryan, Ralph de Leon, at River. Sa huli, napili ng mga huradong sina Nicole Cordoves, Robi Domingo, at Janice de Belen si Ralph de Leon bilang Reyna Talakera 2026 at nag-uwi siya ng P50,000 at isang sash.
Samantala, mas marami pang performances, special appearances, at pasabog ang mapapanood sa mga susunod na araw, kabilang ang Laro Laro Pick na may jackpot prize na P500,000. Makikiisa rin sa pagdiriwang ng anibersaryo sina Apl.de.Ap, Billy Crawford, Bamboo, Skusta Clee, Flow G, Mariah Deborah, Amiel Sol, Earl Justin, Angela Ken, Carl Guevarra, Rob Deniel, Wilbert Ross, Fitterkarma, Klarisse, Fyang, Joaquin Arce, Kyle Echarri, Eliza Borromeo, Miguel Vergara, Xyriel Manabat, Zaijian Jaranilla, Alexa Ilacad, Alora Sasam, Verna Periwinkle, Poking, Candy Pangilinan, Ethel Booba, atbp..
Mapapanood ang It’s Showtime sa Kapamilya Online Live sa ABS-CBN Entertainment YouTube (YT) at Facebook (FB), Kapamilya Channel, ABS-CBN sa ALLTV2, GMA, A2Z, iWant, at TFC.
Mapapanood din ang Showtime Online U sa ABS-CBN Entertainment at IS YT channels at FB pages.





Comments