top of page
WINNER - ISA SA MGA HOSTS NA NANLAIT SA ANAK NI KRIS, NAGPAKITA NA SA NBI_FB Circulated.jp

Mister, todo-tanggol sa anak nila ni Patrick… JENNYLYN, SUPORTADO RIN ANG ANAK NI DENNIS KAY CARLENE

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | October 21, 2026



TEKA NGA - JENNYLYN, SUPORTADO RIN ANG ANAK NI DENNIS KAY CARLENE_IG _mercadojenny

Photo: IG _mercadojenny



Marami man ang pumuri kay Dennis Trillo sa pagtatanggol kay Alex Jazz na anak ni Patrick Garcia sa misis niyang si Jennylyn Mercado, tinumbasan naman ito ng aktres dahil suportado rin niya si Calix Ho, anak ng mister kay Carlene Aguilar, sa hilig nitong fencing. 


Proud sina Jenn at Dennis nang mag-champion si Calix sa isang competition. Hindi sa pag-aartista luminya si Calix dahil ang pagrampa at modelling ang hilig niya. 


Well, so far, maayos at nagkakasundo ang mga anak nina Jenn at Dennis. Isang magandang ehemplo na responsable ang padre de pamilya.


Pagdating sa kanilang career, suportado ng mag-asawa ang isa’t isa. Nasa punto na sila na ang kanilang pamilya ang prayoridad nila. Lahat ng kanilang pagsisikap ay para mabigyan ng magandang future ang kanilang mga anak. Kaya naman, ang bawat project na tinatanggap ni Dennis ay kinakarir niya nang husto. 

Mabenta rin si Jenn bilang endorser.



Labis na ikinagulat ng mga taga-showbiz ang nai-post kamakailan na selebrasyon para sa comedian na si Ate Gay (Gil Aducal Morales in real life). 


Nagdaos kasi ng ‘living funeral’ sa Forest Lake Memorial Park sa Biñan, Laguna para kay Ate Gay na dinaluhan ng kanyang mga kaibigan sa showbiz at ng mga nakatrabaho niya.

May Stage 4 cancer si Ate Gay at tanggap na niya ang kanyang kalagayan, kaya kahit buhay na buhay pa siya ay ginanap na ang ‘living funeral’ kung saan nagkaroon pa ng eulogy. First time na nagkaroon ng ganitong event sa showbiz.


Ganunpaman, pinagbigyan ng mga kaanak ang kahilingan ni Ate Gay. Gusto niyang makasama ang mga kaibigan at maramdaman ang kanilang pagmamahal habang siya ay buhay pa.


Well, sino kaya sa mga artista ngayon ang gagaya sa ginawa ng comedian? Para kasing napaka-morbid naman na buhay pa ay pinaglalamayan na ng lahat.





MULING nag-reunion ang mga dating miyembro ng That’s Entertainment (TE) at isang masayang get-together ang idinaos sa Viva Cafe kamakailan. Bagama’t hindi nakadalo ang lahat, nag-update naman sila sa kanilang mga kaganapan.


Naging punong-abala sa pag-aasikaso ng TE reunion sina Harlene Bautista at Federico Moreno, na anak ni Kuya Germs (SLN). Plano nilang gawing bongga ang reunion next year upang i-celebrate ang 40th anniversary ng TE sa Araneta Coliseum sa April, 2027. 


Marami ang nagsa-suggest na dapat ay may competition at mag-perform ang bawat grupo ng TE, mula Monday Group hanggang Friday Group, tulad ng dati nilang ginagawa. 


Imbitahan din nilang mag-perform sina Ruffa Gutierrez, Donita Rose, Manilyn Reynes, Sheryl Cruz, atbp..


Well, tiyak na unang matutuwa si Kuya Germs kapag natuloy ang grand reunion ng That’s Entertainment.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page