top of page

Nauntog na life is short, nagpakasaya… JOHN LLOYD, AMINADONG SOBRANG NAPAGOD KAYA LUMAYAS SA SHOWBIZ

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 24, 2020
  • 2 min read

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | November 24, 2020




Sa isang panayam kay John Lloyd Cruz ni Kuya Boy Abunda sa kanyang online show na The Best Talk, inihayag ng aktor kung bakit mas pinili nitong magpahinga pansamantala sa showbiz mula noong taong 2017.


"Parang kailangan munang huminto at magnilay-nilay. Kailangang medyo dumistansiya, parang gusto mong maging... para malagyan mo ulit, kailangan mo munang ubusin, something like that," paliwanag ni Lloydie (palayaw ng aktor).


Tinanong ni Kuya Boy si John Lloyd ng, “Napagod ka? I don’t mean physical na pagod.”

Buwelta ng aktor, “At one point you realize na sobrang iksi pala ng buhay at gusto mo lang… somehow you realize na kailangan mo palang bigyan ng halaga at atensiyon 'yung mga bagay na hindi mo puwedeng ikaila… Parang hindi mo siya maidi-deny, eh, kailangan mo siyang gawin, otherwise, parang tingin ko, ayaw ko namang tatanda na magtataka ako na paano kung sinubukan ko ulit,” aniya.


Sinabi ng aktor kay Kuya Boy na sobra siyang napagod sa pagtatrabaho.


“Nakakaubos 'yung dine-demand ng ganitong trabaho, and bilang creator, gusto mong makapagbigay lagi ng something worth their time. And kung ubos ka, medyo mahihirapan kang ma-deliver 'yun kasi wala nang bagong laman 'yung utak mo... Wala ka nang maibibigay na tingin ko is worth their time kung sino man 'yung sumusunod sa 'yo. Kumbaga, nakakahiya na lang din," rason pa niya.


Sa kabilang banda, naitanong din sa aktor kung ano na ang estado ng kanyang buhay ngayon na bagama't hiwalay na sila ng ex na si Ellen Adarna ay nabiyayaan naman siya ng isang anak, si Elias.


"Wala nang kasingsaya. Wala na yatang mas liligaya pa 'pag mayroon kang maliit na anak, na two years old na ang kulit. Wala nang kasingsaya. Ang lupet! My little savior," pagmamalaki pa ng aktor sa kanyang anak na si Elias.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page