Naunahan na nina Kuh, Lea at Pia… MARIAN, 'DI UNANG PINAY NA NAG-JUDGE SA MISS U
- BULGAR
- Dec 2, 2021
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | December 02 , 2021

For the record, hindi lang pala si Marian Rivera ang unang Pinay celebrity na naging isa sa mga judges sa Miss Universe beauty pageant.
Nauna na sa kanya sina Kuh Ledesma, Lea Salonga at Pia Wurtzbach.
Ganunpaman, malaking achievement at karangalan pa rin kay Marian na mapasana sa panel of judges sa Ms. Universe 2021 na gaganapin sa Israel.
Sa dami ng sikat at magagandang artista natin ngayon, ibang level na kapag napili na maging judge sa Miss Universe beauty pageant.
Kung ganda at popularidad ang pagbabasehan, pasok at may "K” si Marian na maging hurado sa MU.
For sure, paghahandaan ito nang husto ng Primetime Queen dahil malaking karangalan ang maging judge ng prestigious beauty pageant.
Ibang-iba ang ganda ni Marian Rivera at hindi siya matatabunan ng mga MU candidates.





Comments