Nauna na ang baby… ANGELINE, OKS LANG KAHIT 'DI PAKASALAN NG BF
- BULGAR
- Dec 16, 2021
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | December 16 , 2021

Kung ginusto man ni Angeline Quinto na magkaroon ng baby kahit hindi pa nakakasal sa ama ng kanyang ipinagbubuntis ngayon, walang sinuman ang puwedeng humusga sa kanyang desisyon.
Nakikita naman ng lahat na maligayang-maligaya siya ngayon at dedma siya kung ano ang sasabihin sa kanya ng mga Mosang at Marites sa showbiz.
Buhay naman niya 'yun at hindi big deal para kay Angeline ang makasal sa kanyang non-showbiz BF.
Sa kabila ng mga umiikot na chika na may “sabit” ang kanyang karelasyon kaya hindi siya mapakasalan, tanggap ni Angeline ang lahat.
Ibang ligaya ang kanyang nararamdaman ngayong malapit na siyang maging isang ina.
May makakasama na siya sa buhay at may paglalaanan ng kanyang mga pinaghirapan.
Sey naman ng mga netizens, anak lang ang mahalaga kay Angeline at hindi ang pagkakaroon ng asawa.
Ganunpaman, sa isang interview ay nasabi naman niya na nangangarap din siyang makasal sa simbahan someday at makapagsuot ng wedding gown.
Sa kanyang kalagayan ngayon na 5 months preggy na, tiyak na mauuna siyang maging mommy bago makasal. No regrets naman si Angeline Quinto dahil gustung-gusto na niyang makita ang kanyang baby.





Comments