top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Nauna lang sina Maine at Arjo… ALDEN, NAGPUNTA RIN SA SIARGAO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 10, 2021
  • 1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | November 10, 2021





Nasa Siargao rin pala si Alden Richards at tanong agad ng AlDub fans, nagkita kaya sina Alden at Maine Mendoza na pumunta rin sa Siargao kasama si Arjo Atayde?


Kaya lang, nakaalis na yata sina Maine at Arjo nang magpunta sa Siargao si Alden kasama sina Mama Ten at Leysam Sanciangco.


Nagpunta sa Siargao sina Maine at Arjo para i-celebrate ang birthday ng aktor, at si Alden, nagpunta para magbakasyon. Aminin natin, ang ganda sanang eksena at masarap isulat kung nagkita ang tatlo sa Siargao.


Sa napanood naming video, nag-e-enjoy si Alden habang nakasakay sa motorboat at umiikot sa karagatan ng Siargao. Hindi naman nagtagal sa Siargao sina Alden dahil may Lazada super sale this Wednesday at magkasama sila nina Maine at Bea Alonzo at iba pang Kapuso stars.


Siguro naman, live ang show kasi ang kalaban ng Lazada na Shopee ay live ang show sa Nov. 11.


Still on Alden, excited na ang mga fans at followers nito sa pagbabalik ng The World Between Us dahil sa intense scenes na ipinalalabas sa teaser. Tila marami pang kissing scenes si Alden at ang leading lady niyang si Jasmine Curtis-Smith at inaabangan din kung paano gaganti si Louie (Alden) kina Brian (Tom Rodriguez) at Eric (Sid Lucero).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page