top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Nauna lang sina Ai Ai at Ryan Cayabyab…. NOVA, BINIGYAN NG PINAKAMATAAS NA PARANGAL NG SANTO PAPA

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 17, 2021
1 min read

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | January 17, 2021




Isang masayang salubong sa 2021 ang pagkakaloob sa veteran actress na si Nova Villa ng isang prestihiyosong karangalan mula sa Vatican, ang Pro Ecclesia et Pontifice medal, ang pinakamataas na pagkilala na ibinibigay ng isang Santo Papa sa tao sa tulong ni Novaliches Bishop Emeritus Antonio Tobias.


Sa ulat ng Veritas 846 nitong nagdaang Biyernes (Jan. 15), tinanggap ng aktres-komedyana na Villa Novelita V. Gallegos ang real name ang pagkilala noong January 14 sa San Lorenzo Ruiz Parish sa Quezon City.


“'Yung ambisyon kong mag-artista became a mission, lahat ng ginagawa ko sa showbiz ay may kaakibat na misyon,” pahayag ng aktres sa panayam ng Radio Veritas.


Ayon pa kay Tita Nova, hindi niya inakala na siya ang mapipiling parangalan ng simbahang Katolika.


“Bukal sa puso ko 'yung anything na ginagawa ko for God. I’m happy to do it kahit mahirap.”


Sa nasabing panayam din, nanawagan ang aktres sa kapwa na maging mabuting alagad ng Diyos.


“I think, I am just an instrument of God’s grace to people. By being nice to people, giving smile at them, you’re giving them hope,” pahayag ni Tita Nova.


Bukod kay Nova Villa, ilang personalidad na rin ang una nang nakatanggap ng parehong pagkilala tulad nina Ai Ai Delas Alas at Ryan Cayabyab.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page