Naumay na sa love story nila… FANS, 'DI NA EXCITED SA KASALANG BEA-DOMINIC
- BULGAR
- Mar 20, 2024
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 19, 2024

Marami ang nagsasabing nagkabalikan na sina Bea Alonzo at Dominic Roque. Patunay nito ay ang engagement ring na suot na ulit ni Bea na sabi nu’ng una ay ibinalik niya kay Dominic matapos ang kanilang breakup.
Pero, dahil sa muling nanuyo si Dominic, lumambot ang puso ni Bea at nagkaroon ng second chance ang aktor at hanggang sa kumalat na ang tsikang natutulog na ulit si Dominic sa bahay ni Bea.
‘Yun naman ang inaasahan ng kanilang malalapit na kaibigan — na maaayos nila ang kanilang problema kung walang makikialam na outside forces.
Tutal, pareho na silang nasa tamang edad at kaya na nilang panindigan ang kanilang desisyon na gagawin.
Ganunpaman, medyo naumay na ang mga netizens sa pagsubaybay sa love story ng BeaDom at ‘di na sila umaasa pa ng happy ending. Baka raw bigla na namang magbago ng isip si Bea at sisihin pa ang kung sinu-sino.
Hindi na rin excited ang mga netizens na malaman pa kung matutuloy ang kasalang BeaDom sa taong ito. Ngunit, para kay Dominic Roque, marami siyang friends na nagdarasal na matuloy ang kanilang kasal ni Bea kahit na civil wedding na lamang.
Puwede naman, 'di ba?





Comments