top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Naudlot man noon… BALIKANG CLAUDINE AT MARK, KUMPIRMADO NA

BULGAR
May 12, 2021
1 min read

Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | May 12, 2021




Maraming fans nina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez ang natuwa sa balitang matutuloy na rin sa wakas ang reunion movie ng kanilang mga idolo.


Ang nasabing movie project ay co-venture nina Boss Vic del Rosario ng Viva Films at Atty. Ferdie Topacio ng Boraccho Films.


Bago pa nag-pandemic ay nakaplano na talaga ang reunion movie nina Mark Anthony at Claudine. Pero, naudlot dahil may mga aberyang nangyari.


Ngayon, tinitiyak ni Boss Vic na tuloy na tuloy na ang pagsasama ng dating sikat na screen partners.


Sey ng mga netizens, parehong makakatulong kina Claudine at Mark Anthony ang kanilang reunion movie. Tiyak na muling sisigla ang kanilang career.


Pareho namang magaling umarte ang dalawa kaya hindi mahihirapan ang kanilang direktor.

Hopefully, parehong ready to work na silang dalawa upang smooth-sailing ang shooting ng kanilang reunion movie. Tiyak na marami ang mag-aabang sa kanilang balik-tambalan sa big screen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page