Ibinulgar ni Annabelle... Pacquiao, pinerahan na, siniraan pa ni Jayke Joson
- BULGAR
- Oct 22, 2021
- 2 min read
ni Julie Bonifacio - @Winner | October 22, 2021

Dinepensahan ni Annabelle Rama ang boxing champ at presidentiable na si Senator Manny Pacquiao sa mga alegasyon ng dati niyang kaibigan na si Jayke Joson.
Inisa-isa ni Annabelle ang mga nalalaman niya tungkol kay Jayke pagdating sa usaping pera.
Pera rin kasi ang isyung ibinabato ni Jayke kay Sen. Pacquiao, kaya niresbakan naman siya ni Annabelle at ibinulgar ang mga anomalyang ginawa niya diumano sa dating kaibigan.
Umabot sa 57 items ang caption sa tatlong magkakahiwalay na posts ni Annabelle sa Instagram.
Tinumbok agad ni Annabelle kung sino ang tinutukoy niya sa naka-enumerate na items sa caption niya.
Isang dating alalay ni Sen. Manny Pacquiao na tatakbong partylist, ang description ni Annabelle na walang iba kundi si Jayke.
“Sabi mo mangungutang ka, nagsangla ka ng bahay, para itulong kay Manny?
“Tama ka, sinangla mo ang bahay mo, dahil sa pagsusugal mo.
“Baka nakalimutan mo, dumating ang ‘Sheriff’ sa bahay at pinalabas lahat ng gamit mo.
Kanino ka nagmakaawa, 'di ba, kay Manny? Kinukunan mo pa ng video habang pinalabas ang mga gamit mo. Finorward mo kay Manny ang video para paniwalaan ka.
“Binigyan ka ni Manny ng P10 M pambayad sa loan mo sa BDO, para hindi mawala ang bahay mo. After 2 days, pumunta ka sa Dasma, sa house ni Sen. Manny umiiyak at nagmakaawa ulit.
“Halos hahalikan mo na ang talampakan ni idol. Sabi mo, kulang ng P5M, binigyan ka ulit.
“Andu'n ako sa bahay ni Sen. Manny nu'ng araw na 'yun. I was in the kitchen, nanonood sa drama mo. Nandidiri ako sa iyo. Para kang babae nag-iiyak, para mabigyan ka ulit ng pera.
“Sa isang interview mo, parang pinalabas mo kawawa si Manny, nangungutang sa inyo ng P140M. In your dreams,” litanya ni Annabelle sa kanyang Instagram.
Ayon pa sa post ni Annabelle, naniningil pa raw si Jayke ng $1,000 sa mga nais makausap si Sen. Pacquiao tuwing may laban sa ibang bansa, at P500K sa mga businessmen na gustong makausap ang boxing champ dito sa Pilipinas.
Pati sa mga biniling properties ni Sen. Pacquiao gaya ng bahay nila sa Forbes Park, lagi raw may komisyon si Jake.
“Sa pagtitiwala ni Manny sa iyo, pinabayaan kang makipag-negotiate sa lahat. I’m sure, meron nagbayad sa iyo, para siraan si Manny. Matagal ka nang sinipa, ngayon ka lang nagsalita? Magkano ang nakuha mo?”
At kaya raw nagkakagulo sila ngayon ay dahil hindi natuloy ang laban ni Sen. Pacquiao sa Dubai.
“Kaya nagkabukuhan, dahil sa P140M part of the down payment.
“Nawawala, nasaan na ang P140M. Sino ang ka-share mo, Jayke? Ang alam ko divided by 3, sino 'yung dalawa?
“Nagastos n'yo na ang pera, kaya kayo ngawa nang ngawa, dahil naniningil na ang promoter ng refund.
“Nabuking kayo ni Sen. Manny. Ang downpayment ibinigay n'yo sa kanya, hindi nag-tally sa amount na hinihingi ng promoter?
“Overpricing na naman? Kasalanan 'yun ng promoter 4 times na-postponed dahil sa pandemic.
Ngayon, sinisisi mo si Sen. Manny Pacquiao?”
Oh-em-gee!!! 'Yun na lang daw talaga ang nasabi namin, oh?!





Comments