top of page
BIDA - DENNIS KAY GELLI- SISIHIN MO ‘YUNG NAGSIMULA NG GULO_IG _dennistrillo & _gellidebel

National Land Use Act, panangga sa baha, landslide

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
1 min read

ni Mylene Alfonso @News | October 5, 2026



Ang bahagi ng San Mateo-Arayat Pampanga flood control - JT

Photo: Tukuyang gumuho ang malaking bahagi ng San Mateo-Arayat Pampanga flood control na kasalukuyang naka-kordon para sa gagawing rehabilitasyon. Wala namang nasaktan sa insidente. (Jeff Tumbado)



Iginiit ni Surigao del Norte 1st District Rep. Francisco “Lalo” Matugas ang pangangailangang magkaroon ng komprehensibong National Land Use Act upang maisama ang disaster risk sa pagpapasya kung saan dapat itayo ang mga komunidad at malalaking proyekto.


Ayon kay Matugas, chairman ng House Special Committee on Land Use, muling ipinapakita ng banta ng pagbaha at landslide sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao ang kahalagahan ng maayos na land use planning.


Layunin ng panukalang National Land Use Act na pagtugmain ang paggamit ng lupa sa disaster-risk reduction, environmental protection, agrikultura, pabahay, imprastraktura at economic development.


Binigyang-diin ni Matugas na mananatiling mahalaga ang papel ng mga lokal na pamahalaan sa land use planning, habang magsisilbing gabay ang pambansang polisiya.

Inaprubahan ng House of Representatives ang bersyon nito ng National Land Use Act noong Mayo 5, 2026, habang nakabinbin pa sa Senado ang mga kaukulang panukala.


“Ang disaster resilience ay nagsisimula bago pa man maitayo ang isang kalsada, subdivision o pampublikong pasilidad. Nagsisimula ito sa pagpapasya kung nagtatayo ba tayo sa tamang lugar,” dagdag ni Matugas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page