top of page
RUN WILD - BARBIE, NAPABILIB SI ALDEN SA PAGIGING WILD-IG _barbaraforteza.jpg

Natagpuang nakagapos sa penthouse... Mister, misis na buntis, anak at maid, pinagbabaril sa ulo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 1 min read

ni Justine Berganio @Overseas News | September 4, 2026



Si Jonathan Meléndez, na 38-year-old keyboardist ng indie rock band na Camilo Séptimo - Circulated

Photo: Si Jonathan Meléndez, na 38-year-old keyboardist ng indie rock band na Camilo Séptimo - Circulated



Patay ang isang Mexican musician na si Jonathan Melendez, 38, ang kanyang buntis na asawa, 3-anyos na anak na babae, isang 21-anyos na kasambahay at alagang aso matapos matagpuang nakagapos sa kanilang penthouse sa isang upscale residential complex sa labas ng Mexico City nitong Martes ng gabi.


Ayon sa State of Mexico prosecutor’s office, humigit-kumulang apat na buwan nang buntis ang asawa ni Melendez na si Ana Paola.


Ligtas naman sa loob ng penthouse ang 6-anyos na anak na lalaki ng mag-asawa. 

Dalawa na ang naaresto ng mga awtoridad kaugnay ng krimen. Kabilang sa mga suspek ang isang taong kilala ni Melendez at maaaring ginamit umano ang kanyang relasyon sa musikero upang makapasok sa penthouse.


Nakatali umano ang mga biktima gamit ang duct tape bago sila pagbabarilin. Ayon sa mga awtoridad, ilan sa mga biktima ay nagtamo ng tama sa ulo habang isa naman ang tinamaan sa likod.


Si Melendez ay composer at keyboard player ng indie rock band na Camilo Septimo, isang grupong kilala rin sa synthpop at indie music. Inaasahang magtatanghal pa sana ang banda sa Ciudad Juarez, isang border city sa Mexico.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page