Nasulot noon ni Daniel, puwede na ngayon… ALBIE, TANGGAP NG FANS PARA KAY KATHRYN
- BULGAR
- Mar 1, 2024
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | March 1, 2024

Lately ay parang nabubuhay na muli ang mga fans ng dating magka-love team na sina Kathryn Bernardo at Albie Casiño. May mga nagre-request na magkaroon ng reunion project ang dalawa since wala nang ka-love team ang aktres matapos ang breakup with Daniel Padilla.
Pero ayon kay Albie, parang imposible nang mangyari pa na ibalik ang tandem nila ni Kathryn.
“I doubt that’s gonna happen, man,” sambit ni Albie sa interview sa kanya sa mediacon ng Vivamax horror-trilogy movie na Eks.
“Let’s end that now, ‘di ba, parang… especially I’m no longer an ABS-CBN artist. So I don’t think that. . .
“I find it weird that people still ask me that,” dagdag niya.
Pero given the chance na magkaroon ng offer to be paired with Kathryn, willing ba siya?
“Why would I say no, ‘di ba? I don’t say ‘no’ to work in general, so why would I say ‘no’ to work with her?” he said.
Matatandaang si Albie ang unang ka-love team ni Kathryn at nag-click ang tandem nila sa Mara Clara. That time ay hindi pa isinisilang ang KathNiel love team.
Dapat ay may follow-up project sila na Growing Up pero biglang pumutok ang balitang buntis si Andi Eigenmann at si Albie ang itinuturong ama. Tinanggal siya sa show at si Daniel ang ipinalit sa kanya para makapareha ni Kathryn. At dito na nga nagsimula ang pagsikat ng KathNiel love team.
Bagama’t nawasak ang papaakyat sanang career ni Albie noon, that’s water under the bridge now, dahil nakabangon na rin naman ang aktor, at okay na ulit ang estado ng kanyang karera ngayon.
Bukod sa pelikulang Eks, napapanood din si Albie sa seryeng Can’t Buy Me Love with Donny Pangilinan and Belle Mariano (DonBelle).
Sa pelikulang Eks ay kapareha naman niya si Yen Durano na anak ng character actor na si DJ Durano, sa episode na pinamagatang Eksperto.
Kasama rin sa trilogy movie sina Felix Roco, Audrey Avila, atbp. mula sa direksiyon nina Omar Deroca, Sigrid Polon and Roman Perez, Jr..
Comments