Nasobrahan daw ang retoke, basher niresbakan…
- BULGAR

- Dec 11, 2020
- 2 min read
ANGELINE: KUNG IPAGAWA KO MAN BUONG KATAWAN KO, WALA KANG PAKI!
ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | December 11, 2020

Iritableng-iritable si Angeline Quinto sa isang netizen na nagsabing “nasobrahan yata” sa pagpaparetoke ng mukha ang 31-year-old singer. Bigla raw kasing gumanda at naging tisay si Angeline.
Nagkomento ang naturang netizen sa latest Instagram photo ni Angeline nitong Miyerkules, December 9. Close-up shot ng kanyang mukha ang ibinahagi ni Angeline sa kanyang 1.6 million followers.
Sabi ng netizen, “Nasobrahan yata pagawa.”
Buwelta ni Angeline sa pumuna sa kanyang beauty transformation, dapat daw ay buhay na lang ng netizen ang pagkaabalahan nito kesa sa pintas-pintasan siya.
“Kung ipagawa ko man buong katawan at pagkatao ko, hindi naman makakaapekto sa pamumuhay mo.
“Much better kung buhay mo na lang ang unahin at pagkaabalahan mo.
“Love you babe,” ang sagot ni Angeline sa netizen
Hindi na nag-reply kay Angeline ang netizen. Sa halip, ang mga fans ni Angeline ang nagpakawala ng maaanghang na komento laban sa netizen na tinawag nilang “inggit” at “insecure.”
May ilan ding Instagram followers ni Angeline ang pinagtawanan ang netizen dahil “basag” at “burn” daw ito sa reply ng singer.
Kalaunan, nagkomento si Angeline sa sarili niyang post para pahupain ang galit ng kanyang mga fans.
Sabi ni Angeline, “I love you guys [two red hearts, four praying hands emojis], magagalit ang Mama Bob kung puro hate tayo.
"Hindi 'yan ang itinuro niya sa akin. [one praying hand, five red heart emojis]”
Si Mama Bob ay si Sylvia Quinto, ang adoptive mother ni Angeline na pumanaw nitong November 7.
Hindi ikinakaila ni Angeline na ilang beses siyang sumailalim sa cosmetic surgery. Sa katunayan, sa isang Instagram post noong August 1, tinawag pa ni Angeline ang sarili bilang “proud retokada.”
Sa parehong post, inisa-isa pa ni Angeline ang mga medical procedures na pinagdaanan niya, tulad ng “eyelid surgery, arm liposuction, belly liposuction, thermage” at “breast reduction.”
Mayroon din daw siyang glutathione injection upang mapanatili ang maputi at makinis niyang balat.
Nauna rito, sa isa pang Instagram post noong July 31 ay sinabi ni Angeline na hindi niya kailanman ikinahiya ang ginawa niyang pagpaparetoke.
Kaya naman ipinagtataka raw ni Angeline kung bakit “big deal” pa rin ito sa ibang tao.
“Big deal sa ibang tao ang pagpaparetoke ng ibang artista, hindi naman ho namin itatago kung ano ang ipinaayos namin. Never ko ikinahiya kung ano ang mga ipinagawa ko. At hanggang ngayon, napakalaking issue sa iba.
“Parte ho ng trabaho 'yun at kung may pambayad naman, bakit hindi? Kaya nga ho may Dra. Vicki Belo.”
Si Dra. Vicki ang kilalang cosmetic surgeon ng maraming celebrities at tinaguriang “Doctor to the Stars.”
Dagdag ni Angeline, “Ikaw naman ang magtatrabaho at gagawa ng paraan para makapagparetoke ka, eh. Hindi naman hihingin o nanakawin ang ipambabayad. Kesa ho manggaling sa ibang tao 'yung IPAMBABAYAD, mas pangit ho. #RetokePaMore."





Comments