Nasasakal daw sa buhay sa Maynila… NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN
- BULGAR

- 1 hour ago
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 24, 2026

Photo: IG _ nadine & FB Sparkle GMA
Ayon kay Nadine Lustre, love na love niya talaga ang Siargao dahil dito niya naramdaman ang peace of mind at katahimikan na kanyang hinahanap.
“Parang nakahinga ‘ko nu’ng nag-Siargao ako,” kuwento niya sa panayam sa vlog na Dogshow Divas.
“Nu’ng nagpunta kasi ako ru’n for the first time, mga 2017 ‘yun, parang ‘di ko masyadong inisip ‘yung fact na ‘yun, pero nu’ng nandu’n ako, pakiramdam ko, mas nakahinga ako.
“Tapos, after the pandemic, nu’ng bumalik ulit ako ru’n, 2021, du’n ko na-realize na gusto kong tumira dito. Kasi ang ganda ng energy, tapos, ang layo sa city,” tsika niya.
Na-realize nga raw niya na hindi niya gusto ang city life.
“Feeling ko, ‘di talaga ako pang-city, eh, ever since. Kasi ‘pag nasa city ako, para akong nasasakal. Although sobrang love ko ‘yung work ko. But at the same time, basta merong certain energy na parang smothering s’ya, medyo nakakasakal s’ya.
“So ‘pag nandu’n (sa Siargao) ako, mas nakaka-relax ako ru’n, I can be more myself, I don’t have to pretend or think about anything else. Parang kahit ‘di ako mag-ayos, okay lang, ganu’n,” aniya.
Medyo weird nga raw dahil kaya siya nag-base sa Siargao dahil gusto niya ng space or break from her work in Manila. Pero ang nangyari, ang trabaho ang nagpunta sa kanya roon dahil sa serye nila ni Alden Richards sa GMA-7 na Love, Siargao (LS).
Aniya, “I wanted parang a space or a place where I can take a break from city life. Refuge, ganu’n, takbuhan from everything that I’m doing here. Tapos, ang nakakatawa pa, dinala pa s’ya (ang trabaho) ru’n.”
Pero wala naman daw siyang complaints dahil nag-enjoy siya at kaya nga rin niya tinanggap ang serye ay dahil gusto niya ring maipakita ang natural beauty at kultura ng isla.
“I was really happy to do it. And then nu’ng lumipad na ru’n ang lahat, ‘yung crew, ‘yung production, ‘yung mga artist, medyo weird s’ya nu’ng una kasi sobrang chill ko ru’n sa isla, tapos biglang work mode ako,” aniya.
“Na-enjoy ko s’ya kasi may nabuong family, bagong family du’n,” dagdag pa niya.
Tinustusan sa pag-aaral…
BIANCA, ‘DI PA NAKAKAPAG-COLLEGE DAHIL INUNA ANG PINSAN
MATAPOS pag-aralin ang kanyang pinsan, binabalak ni Bianca Umali na ipagpatuloy naman ang kanyang pag-aaral.
Matatandaang naka-graduate ng senior high school ang aktres noong 2019 at hindi na siya nakapagpatuloy pa sa college. Kaya naman, sey niya, plano na niyang tapusin ang pag-aaral ngayon at makakuha ng diploma.
Sa panayam sa kanya sa podcast ni Kara David na i-Listen, sinabi ni Bianca na inuna lang niyang pag-aralin ang kanyang pinsan na si Samantha at ngayong nakapagtapos na ito, siya naman ang mag-aaral.
“I have two choices. Either I go to a design school for interior design, or I’m also looking into a big university. Pero ‘di pa po ako decided sa kung ano talaga, but yes, I’m excited to study,” sey niya.
Ang pagtulong daw niya sa pagpapaaral sa kanyang pinsan ay bilang pasasalamat na rin sa kanyang Lola Vicky na nag-alaga at nagpalaki sa kanya matapos pumanaw ang kanyang mga magulang.
Sey pa niya, kung kaya nga lang daw niya ay sabay niyang tutustusan ang pag-aaral nilang dalawa, pero sadyang mahal daw talaga ang edukasyon ngayon.
“I mean, if I was fortunate enough, I could have sent both of us at the same time, but it wasn’t possible because studying isn’t cheap, especially nowadays.
“I also believe that when it comes to studying, it will never be too late for anyone to study,” saad ng girlfriend ni Ruru Madrid.





Comments