Nasapawan daw sa Paris Fashion Week… KALAT NA: HEART, GALIT NA GALIT AT PINAGMUMURA SI ANNE
- BULGAR
- Nov 7, 2023
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | November 7, 2023

Pinagsasabong sina Anne Curtis at Heart Evangelista ng mga Marites sa socmed ngayon.
Kumakalat sa socmed ang “silent war” ng dalawang top fashionistas sa showbiz.
Although, mukhang si Heart lang daw ang galit na galit kay Anne, habang dedma lang daw or baka ‘di pa aware si Anne na nabubuwisit pala sa kanya si Heart.
Nagkita sa Paris Fashion Week sina Anne at Heart at may video na lumabas sa socmed sa pagkikita nilang ‘yun. Kasama ni Anne sa Paris Fashion Week ang influencer na si Bryanboy.
Galit na galit daw si Heart kay Anne dahil na-slay ng It’s Showtime host ang Paris Fashion Week.
Pinagmumura pa raw ni Heart si Anne, which we doubt. Kung ang mister pa ni Heart na si Sen. Chiz Escudero ang inakusahan nila na nagmura kay Anne, baka maniwala pa kami.
Hindi nga ba’t naakusahan si Sen. Chiz na minura ang dating glam team ni Heart?
Nakita rin daw ng mga taga-Paris Fashion Week ang mga posts ni Anne habang nasa Paris.
Kinabog daw ng mga larawan ni Anne sa Paris ang mga paglakad-lakad sa kalsada ni Heart habang nagpapa-pictorial.
Naagaw daw ng mga larawan ni Anne sa Paris ang atensiyon ng mga taga-Paris Fashion Week, kaya raw kinuha si Anne ng isang famous luxury brand to be their endorser.
Tsika pa ng mga netizens, si Anne, ‘di raw kailangang bumili ng mga mamahaling products ng sikat na luxury brand para imbitahin sa Paris Fashion Week, unlike Heart na milyun-milyong piso raw ang ginastos para maimbitahan sa Paris Fashion Week.
Sa pagkakaalam namin, iniimbita si Heart sa mga fashion week-ek na ‘yan bilang influencer. At hindi niya binibili ang mga suot niya habang pini-pictorial na ‘naglalakad-lakad sa kalsada.’
Ipinapasuot lang sa kanya ang damit at accessories for pictorial, pero ‘di naman ibinibigay sa kanya. Na kay Heart na ‘yun kung gusto niyang bilhin ang mga ginamit niya sa pictorial.
Pero ‘yung possibility na ma-insecure si Heart kay Anne, puwede.
Unang-una, si Anne, sosyalera naman talaga. Half Pinay-half Australian at ang kanyang mister na si Erwan Heussaff ay may French lineage. Kaya mas aral si Anne sa French language and culture.
Higit sa lahat, may pera si Anne pambili ng mga luxury brands na damit, bags, shoes and accessories.
May mga project si Anne bukod sa It’s Showtime, samantalang si Heart, parang ang tagal nang walang movie or teleserye.





Comments