top of page
Search
  • BULGAR

Nasampulan, Kathryn… BARBIE, KUMANTA KUNG GAANO KASARAP MAG-ALAGA SI ALDEN

ni Beth Gelena @Bulgary | May 13, 2024



File photo
File photo: Barbie at Alden

Sina Barbie Forteza at Alden Richards ang magkasama sa bagong teleserye ng GMA-7, ang Pulang Araw. Ibinahagi ng Kapuso actress kung paano siya alagaan ni Alden sa kanilang taping. 


“Ramdam ko 'yung care n’ya sa 'kin,” pagbibida ni Barbie. 


Kasama rin nina Barbie at Alden ang kanyang nakapareha sa Maria Clara at Ibarra na si David Licauco. 


Sa isang panayam, natanong ang aktres kung gaano kaalaga si Alden sa set. 


“Talagang suporta. Kapag may kailangan na umpisa pa lang ng eksena kailangan ko nang umiyak, automatic kay Alden 'yun, na hahawakan niya 'yung kamay ko,” ani Barbie. 


“Ramdam ko rin 'yung care niya sa ‘kin bilang ang tagal na naming magkaibigan,” dagdag pa niya. 


Nasa cast din si Dennis Trillo. 


Kamakailan lang ay hinirang na Primetime TV Drama Actress of the Year si Barbie para sa teleseryeng Maria Clara at Ibarra. Iginawad ito sa kanya ng Box Office Entertainment Awards 2024.


Hindi naman nakakapagtaka dahil talagang hinangaan ang girlfriend ni Jak Roberto sa nasabing serye. 


Ang laki kasi ng improvement ni Barbie sa larangan ng pag-arte.

0 comments

Σχόλια


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page