Nasa edad na rin naman daw sila… DANIEL, UMAMING MAGSASAMA NA SILA NI KATHRYN
- BULGAR
- Aug 16, 2021
- 2 min read
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | August 16, 2021

Inamin ni Daniel Padilla na minsan na siyang nagkamali sa girlfriend na si Kathryn Bernardo at pinatawad daw siya nito.
Sa panayam ni Boy Abunda kay Daniel sa online show ng TV host titled The Purple Chair Interview Presents Daniel Padilla, isa sa mga napag-usapan nila ay betrayal in a relationship.
Tinanong ni Kuya Boy si DJ ng hypothetical question na kaya ba niyang magpatawad kapag na-betray siya.
“Yes,” ang sagot ni DJ.
“‘Pag ako ay tinraydor at may ginawang mali, kaya kong patawarin ‘yung tao na ‘yun kasi para sa akin din ‘yun, eh. ‘Pag hindi mo ginawa ‘yun, wala, you’d be lost,” dagdag niya.
At dito nga niya ini-reveal ang nangyari sa kanila ni Kathryn.
“That happened to me before at si Kathryn, pinatawad ako. Nagkamali ako before, I was a kid, I was stupid and still, tinanggap niya ako. At tinanggap niya ako nang buong-buo,” he said.
Nine years na ang relasyon nina Kathryn at Daniel kaya natanong ang aktor kung ano ang advantage ng long-term relationship.
“Sa work, kami ang magkasama. After work, kami pa rin ang magkasama. ‘Yung beautiful dito is I’m always excited to see Kathryn. Kasi, ‘eto ang tawag ko, I’m a ship and she’s my anchor talaga.
“Siya ‘yung (dahilan) kaya ako steady kasi nandiyan ‘yung Kathryn para sa akin. Ganu’n ‘yung relationship namin, Tito Boy. Kailangan ko ‘yung tao na ‘yun. Mahal ko siya at kailangan ko siya,” pahayag ni Daniel.
At bilang matagal na nga ang kanilang relasyon, inihahanda na raw nila ang isa’t isa para sa kanilang future together.
“Now, tinuturuan namin ang isa’t isa dahil malapit na, eh. Ilang taon na rin naman kami. Sa future, pagdating ng panahon, siyempre, magsasama na talaga kami. Inihahanda na rin namin ‘yung mga sarili namin,” pagbabahagi pa ni Daniel.
Pati ang mga parents daw nila ay inihahanda at tinuturan na sila para sa kanilang future.
When asked kung paano sila hindi nagkakasawaan, sagot ni Daniel, “Ako, I’m no expert naman. Hindi ko alam, I just think… wala, eh. She’s the love of my life and I think, that’s it.
“We just give each other time. Like me, kakagaling ko lang ng Boracay. Binigyan niya ‘ko ng time with my friends, saka kapatid ko. Ganu’n lang. Bigyan natin ng oras ‘yung mga sarili natin.”
Dahil sa napakagandang mga sinabi ni Daniel, needless to say, halos mamatay-matay na naman sa kilig ang mga KathNiel fans.




Comments