top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Napuno na sa padir… JULIA, TINAWAG NA NARCISSISTIC SI DENNIS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 12, 2025
  • 2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | Apr. 12, 2025



Photo: Julia Barretto at Dennis Padilla - Instagram


May bagong post si Julia Barretto tungkol sa narcissist. Ang tanong ng mga netizens, patungkol daw ba iyon sa kanyang amang si Dennis Padilla?  


Post ni Julia, “A narcissist doesn’t care about being a good parent - they just care about looking like one.” 


Komento ng mga netizens, ilabas na raw kasi kung ano ang ginawa ng ama sa kanila para magalit sila nang ganu’n kay Dennis.


Sey ng isang netizen, “Oh, Julia, ilabas n’yo sana ang ginawa n’ya sa inyo.”

Sagot ng isa, “Screenshot n’ya ‘yung mga texts na puro pagmumura sa kanila ni Dennis, pero ‘pag narcissist talaga, wala nang pag-asa.”


“Wala namang ilalabas, maliban sa sustento ng pera. Pero kung magkasama naman sila ni Marjorie kahit kulang sa pera, ‘yung service na lang na puwedeng ibigay ng ama, baka nagawa niya, kaso naghiwalay na sila, eh. Pinalayas na siya, ‘yung ginawa ni Marjorie ang dapat ilabas. Kaso public knowledge naman na ‘yun.  


Tanong tuloy ng iba, “ANO BA KASI ANG GINAWA NI DENNIS ASTIG NA KINASUKDULAN NG GALIT NI MARJORIE O MGA HINDI NIYA GINAWA NOON?”


“Ang kalat. Gets ko na dadating ang time na ipagtatanggol mo (ang) sarili mo, pero bad timing kasi nakakahiya lang du’n sa bagong kasal at sa side ng guy. Dapat dedma na lang muna, kaya lang, lahat gusto magpabida.” 


“Napuno na si Julia, ilang taon din kayo nanahimik. Ipagtanggol n’yo sarili n’yo sa isang narcissist.”  


“Maraming skeletons in the closet si Marjorie. Pasalamat siya, tikom bibig ni D d’yan.”  

“First time niya nag-react sa mga ganyan.”


“Siguro, eh, sobra na. Ang tagal na n’yang nagtimpi at tumahimik, ‘di na n’ya kinaya.”


“Affected na kasi si Claudia siguro kaya nag-react na siya. Grabe ka, Dennis, ang lala mo.” 


“Ay, bulag-bulagan. Obvious namang narc din si Marj. Pailalim nga lang.”  


“Both parents are narcissistic.”


“‘Yung nanay, greedy.” 


“Sana, mag one time, big time si Marjorie! Ilabas ang totoong istorya.” 

“Korek ka, d’yan. Kaya nga ‘di makapag all-out si Marjorie dahil ang dami n’yang baho na ‘di pa nabubunyag.”


“Dennis already asked for forgiveness years ago. Matitigas talaga puso nila. Si Dennis, mali niya, maingay masyado. ‘Yung nangyari sa kasal, I guess it’s Marjorie’s idea.”


May masasabi pa ba kayo, mga Ka-BULGAR?



PINURI ni Priscilla Meirelles ang estranged husband na si John Estrada bilang mabuting ama, pero wala nang balikan na mangyayari sa kanilang dalawa.  


Diretsahang sinabi ni Priscilla na hindi na sila magkakabalikan ni John.  

Lumipat na raw sila ng tirahan ng anak nilang si Anechka, bilang patunay na tapos na ang kanilang relasyon.  


Pero nananatili raw silang maayos para sa kanilang anak, lalo na sa mga mahahalagang okasyon gaya ng 14th birthday ni Anechka.  


Sa panayam ni Karen Davila, mariin niyang sinabi na kung umaasa pa siyang magkakabalikan sila, hindi raw sana niya iiwan ang bahay na tinirhan nila noon.  


But, despite the fact, pinuri pa rin niya si John bilang mabuting ama sa kanilang anak. Para kay Priscilla, ang kanilang anak ay hindi dapat madamay sa anumang sigalot nila bilang mag-asawa.  


Aniya, mahalaga pa rin na maging present si John sa mahahalagang sandali sa buhay ng kanilang anak.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page