top of page
Kim Chiu - IG.jpg

Napipintong toll hike, pinalagan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 7, 2024
  • 2 min read

ni Ryan Sison @Boses | August 7, 2024


Boses by Ryan Sison

Kinuwestyon ng ilang senador ang Toll Regulatory Board (TRB) sa pag-apruba ng panibagong taas-singil sa North Luzon Expressway (NLEX) na ipapatupad umano ngayong buwan, sa kabila ng nangyayaring malfunction ng radio frequency identification (RFID) system.


Kasunod ng pagpapatupad ng second tranche ng toll adjustments para sa NLEX na epektibo noong June 4, sinabi ng TRB na nakatakdang tumaas ang toll rates sa naturang expressway.


Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services nitong Lunes, tinanong nina Senator Sherwin Gatchalian at Senator Raffy Tulfo ang TRB bakit ito inaprubahan kung ang mga concessionaires ay bigong makamit ang nais ng mga regulator, at mayroon pa ring depektong cashless readers na nagdudulot ng trapik sa mga expressway.


Batay sa TRB, ang pagtaas ng toll ay dahil sa mga accumulated o naipong toll adjustments na hindi naaprubahan noon. At pinahintulutan ng kagawaran ang implementasyon ng unang tranche o 50 porsyento ng mga inaprubahang toll adjustments noong May 25, 2023.


Paliwanag ni TRB executive director Atty. Alvin Carullo, inaprubahan ng Board ang petisyon dahil mayroong nakalatag na kontrata at ito iyong Supplemental Toll Operation Agreement. Aniya, may nakalagay din doon na ang concessionaire ay maaaring magtaas ng toll rates kada dalawang taon. 


Bukod sa NLEX, ganito rin ang nangyayari sa iba pang mga toll gaya ng SCTEX, CALAX, at CAVITEX. Kaya naman panawagan ng mga mambabatas na huwag na muna nilang ituloy ang toll adjustment habang iginiit nilang dapat na ayusin muna ng TRB ang mga problema para maging rasonable ang taas-singil sa mga toll.


Marahil, tama lang na hindi ipatupad sa ngayon ang toll hike sa ating mga expressway habang hindi pa talaga nalulutas ang suliranin sa RFID system.


Nagiging pahirapan pa rin kasi sa mga expressway sa tuwing daraan ang mga motorista dahil sa naiipit ang kanilang mga sasakyan sa toll gate, kung saan hindi mabasa o sira ang mga cashless readers. Kumbaga, maraming palpak na RFID.


Ang masaklap rito, nagkakabuhol-buhol ang trapik at pagkatapos ay nais pang magkaroon ng toll adjustments sa ating mga expressway. 


Sana maisip ng kinauukulan na resolbahan muna ang suliranin para maging makatuwiran ang gagawin nilang pagpapatupad ng taas-singil sa mga toll at hindi lalabas na dehado ang mga mamamayan.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

1 Comment


han gu
han gu
Aug 07, 2024

网课帮手专注于留学生网课代修、网课代上等国外留学服务,我们致力于网课代修代上,期望成为本行业最靠谱、最具影响力的网站。我们把客户的需求放在首位,将策略和执行紧密结合,且不断的沟通评估并优化我们的方案,为客户提供一站式的网课辅助服务!我们拥有网课代修 http://www.wangkedaixiu.com/wkds/ 保分和分期付款等方案,客户可以根据自身不同的情况代上网课。我们的写手都是经过层层筛选,经验丰富。帮助客户考出好成绩,赢得了良好的口碑。

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page