top of page
Search
  • BULGAR

Napikon sa aktres… IVANA, SINABUNUTAN NG LOLA, PAULO TODO-AWAT

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | April 28, 2024





PINAGPIPIYESTAHAN ngayon sa YouTube ang prank na ginawa ni Ivana Alawi kay Paulo Avelino, kung saan ay nakipag-away ang aktres-vlogger sa mga tindera ng damit.

Sa latest vlog ni Ivana ay guest si Paulo at ang challenge na ginawa nila ay mamili sa tiangge na ang budget limit ay 1,000 pesos. Pero ang hindi alam ng aktor, ang pinaka-highlight ng vlog ay ang prank sa kanya.

Mapapanood sa video na walang ginawa si Ivana kundi tumawad nang tumawad sa damit na kanilang binibili, hanggang sa medyo naaasar na ang dalawang tindera na nagkunwaring mag-lola. Makikita namang namamagitan si Paulo sa tuwing medyo nagkakainitan na si Ivana at ang mag-lola, na in fairness ay magaling umarte, huh!

Hanggang sa dumating na sa climax, na sinabunutan na si Ivana ng lola. Siyempre, acting na acting din si Ivana para hindi mahalata ni Paulo na prank.

In fairness, dito nakita ang pagiging mabuting tao ng aktor, dahil panay ang sabi niya kay Ivana na huwag nang patulan ang lola dahil senior citizen na ito. Panay din ang sabi niya sa lola na relax lang dahil baka kung mapaano ito. 

Nang nagkakasabunutan na si Ivana at ang mag-lola ay talagang gumitna si Paulo sa dalawang kampo at super-awat siya.

At nang i-reveal na nga nila na “It’s a prank”, dito na nahimasmasan si Paulo. “Oh, my God,” ang paulit-ulit niyang sambit.

“In fairness, ha, naniwala ako,” sey pa ng aktor.

Tawa naman nang tawa si Ivana at ang gumanap na mag-lola.





0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page