top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Napamura na rin… KRIS, HINAMON NG FACE-TO-FACE ANG NANLAIT NA BADING SI BIMBY

BULGAR
Apr 30, 2021
2 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | April 30, 2021




Hindi na napigilan ni Kris Aquino ang mapamura at gustong makaharap nang face-to-face ang namba-bash sa kanyang anak na si Bimby. Ayaw kasing tumigil ng basher sa panlalait na gay umano ang anak niya.


Sa larawang naka-post sa IG kung saan magkayakap ang mag-ina ay nag-react ang netizen, “Pilantik ng mga daliri (with laughing emojis).”


Mahaba ang naging sagot ni Kris sa tinuran ng commenter kung saan napamura pa siya.


“You know I have had enough of this bullsh*t… if that's the only thing you can criticize about my son then I have really done a f*cking great job as a mom.

“On the other hand, I must say the fact that you choose to pick on the gestures of a 14-year-old boy says so much about your lack of propriety.

“I have shut up for too long BUT I have had it.

“This is my feed, and you are bullying the wrong boy. I am not going to criticize you physically BUT I will call you out on your lack of DECENCY.


“You cannot handle attacking me so you are attacking my son. You choose the wrong mom, I look forward to the day I see you face to face,” ang may paghahamong sabi ng ina ni Bimby.


Sey naman ng mga netizens, “Sana talaga, magkaso si Kris para malaman nila na mali sila. Kasi kung ganyan lang lagi, iisipin ng mga anak mo, wala ka man lang ginawa na hakbang para ipagtanggol sila sa legal na paraan.”


Ang payo naman ng isang commenter, “TUMIGIL NA KASI DAPAT SI TETAY SA KAKA-EXPOSE SA ANAK N'YA!”


Napa-wow na lang ang naging reaksiyon ng isa at sinabing “Sila pa talaga ang kailangang mag-adjust sa kakitiran ng utak ng mga bashers? Sa'n utak mo, 'teh?”


Bakit nga ba big deal sa mga bashers ang katauhan ni Bimby, gayung kinlaro na naman ito ng bagets?


Anyway, ganyan naman tayong mga ina, once na kinanti ang anak, unang-una tayong magtatanggol sa kanila.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page