top of page

Napagsabihan na… SHUVEE, ‘DI NA OA KUMILOS IN PUBLIC

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 10, 2026



Shuvee Etrata - Instagram

Photo: Shuvee Etrata - Instagram



Marami ang nakakapansin na medyo behave na ngayon si Shuvee Etrata. Hindi na siya gaanong hyper kumilos at magsalita kapag nagge-guest sa mga TV shows at dumadalo sa mga events.


Noong una ay nababansagan siyang OA (overacting) dahil grabe kung maka-react kapag napapaligiran ng mga fans. Masyado siyang overwhelmed sa biglang pagsikat niya at pagdagsa ng mga endorsements. 


Hindi namamalayan ni Shuvee na may ilang Kapuso stars ang nate-turn-off sa kanyang mga ikinikilos. Masyado raw siyang pabida dahil sa sobrang atensiyon na ibinibigay sa kanya ng publiko.


Pero may nag-advise raw kay Shuvee na mag-behave at chill lang. Hindi naman niya sinasadya ang maging sobrang bibo at papansin, natural na niya ang pagiging outspoken at pagpapakatotoo.


Ngayon ay kontrolado na ni Shuvee ang kanyang kilos. Marunong na siyang mag-adjust sa kanyang mga co-artists sa GMA Network.


Flattered si Shuvee na nakasama siya sa seryeng The Master Cutter (TMC) na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes at idinirek ni Dominic Zapata.

Mapapanood na ang serye sa GMA simula sa Lunes, May 11.





Pinaka-love sa lahat ng naging babae, takot nang magloko… SEN. ROBIN, ‘DI KAKAYANING IWAN NI MARIEL



Chickboy ang naging imahe ni Sen. Robin Padilla sa showbiz dahil sa dami ng kanyang mga nakarelasyon. Naugnay siya sa halos lahat ng kanyang naging leading ladies sa pelikula tulad nina Sharon Cuneta, Regine Velasquez, Vina Morales, Ruffa Gutierrez, atbp..


Nagpakasal siya kay Liezl Sicangco, ang mommy nina Queenie at Kylie Padilla, pero nagkahiwalay din sila.


Nang magkaroon ng bagong pamilya si Liezl, malaya nang napakasalan ni Sen. Robin si Mariel Rodriguez.


Sa lahat ng babaeng minahal ni Sen. Robin, pinakamatindi at seryoso si Mariel. At sa mga interviews, inamin ni Sen. Padilla na hindi niya kakayanin kung iiwanan siya ni Mariel. Ito ang kanyang ‘alpha wife’.


At pumayag lang noon si Mariel na magpakasal kay Sen. Robin sa kondisyong siya lang at wala nang ibang kikilalaning legal wife si Sen. Robin Padilla. Kapag may ibang babae na papasok sa buhay ni Robin, siya ang kusang aalis at bibitaw sa kanilang relasyon.


Maliwanag ang kondisyong iyon ni Mariel kaya good boy na ngayon si Sen. Robin.

Sobrang proud ang aktor-senador na ang napangasawa niya ay si Mariel na isang ‘alpha wife’. Kapag daw bumibiyahe sila abroad, si Mariel ang nag-aasikaso ng kanilang mga papeles sa airport. Tahimik lang siyang nakaupo at naghihintay. 


Ganoon kalakas ang personalidad ni Mariel Rodriguez kaya tiwala si Sen. Robin Padilla.





May LQ?! MAVY, DINEDMA SI ASHLEY NA TODO-SUPORTA SA KANYA SA BASKETBALL GAME



MAY lovers’ quarrel (LQ) ba sina Ashley Ortega at Mavy Legaspi kaya hindi sila nagpansinan sa ginanap na Bida sa Arena Celebrity Basketball Competition?


Kabilang si Mavy sa Sparkle Team nina David Licauco, Rayver Cruz, Anthony Constantino, Will Ashley, atbp..


Nanood ng laro si Ashley Ortega bilang suporta sa BF niyang si Mavy Legaspi.

Kasama pa niya si Cassy Legaspi na kapatid ni Mavy. 


Pero kitang-kita sa kuha ng kamera na hindi pinansin ni Mavy si Ashley. Mukhang may tampuhan ang dalawa. Nataon pang nakunan sila ng TV camera.


Well, natural lang sa magkasintahan ang ganitong sitwasyon. Pero tiyak, one of these days, makikita na naman sina Ashley at Mavy na sweet na sweet sa isa’t isa. Nasa period sila ngayon na kailangan nilang mag-adjust sa ugali ng isa’t isa.





Hurt na tinawag na ampon na walang mana…

MATET, NAKIKIPAG-AWAY SA MGA NORANIANS



NAGLITANYA na naman si Matet de Leon nang mag-guest sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) nang mabanggit ang tungkol sa iniwang mana ng yumaong Superstar/National Artist na si Nora Aunor.


Naglabas si Matet ng kanyang saloobin at mga sama ng loob sa patuloy na pamba-bash sa kanya at sa iba pa nitong kapatid. 


Sobra raw siyang nasasaktan kapag nababanggit ang kanilang pagiging ampon na magkakapatid. Wala raw silang interes kung may mamanahin man sila.


Pero ang buwelta naman kay Matet ng mga Noranians, siya raw ang palaging nagpo-post sa social media tungkol sa ‘mana issue’. Si Matet ang nag-post sa social media ng larawan nilang magkakapatid na may caption pang ‘sila ang mga ampon na walang mana’.


Kaya hindi masisisi kung patuloy na bina-bash si Matet ng mga Noranians na nagtatanggol kay Ian de Leon. Dapat ay manahimik na lang si Matet kung ang hangad niya ay tahimik na buhay.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
Kim Domingo - Instagram.jpg
bottom of page