Napagkamalang si Pia… FAITH, KA-DATE NI SAM, PINAGKAGULUHAN
- BULGAR

- 4 hours ago
- 2 min read
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | May 4, 2026

Photo: FB Sam SV Verzosa
“Hindi ako si Pia (Wurtzbach), Ate,” nakangiting sabi ni Faith da Silva sa mga fans na nag-aabang ng mga celebrities sa katatapos na Miss Universe Philippines 2026 Coronation Night nitong Sabado, Mayo 2 ng gabi sa SM Mall of Asia (MOA) Arena, Pasay City.
Ang dating Tutok to Win Party-list representative na si Sam Verzosa ang ka-date ni Faith sa nasabing okasyon.
Nang makita ng mga fans ang pagdating nina Sam at Faith ay kaagad silang naglapitan para magpa-picture sa aktres habang si Sam naman ay umatras para bigyan sila ng daan.
Panay ang pose ni Faith habang panay din ang click ng kamera ng mga fans na kumukuha sa kanya.
Ang ganda ng suot na gown ng GMA artist na nagpakita ng skin kaya sexy ang dating niya sa lahat.
Maririnig sa video na in-upload ng vlogger na si Chantal sa kanyang Facebook (FB) account ang kilig ng mga fans at nagtatanungan kung anong name ni Faith. Alam nila na taga-GMA-7 ang aktres at may isang nagsambit ng pangalang “Pia”.
Kaya si Faith ay nag-react at sinabing “Hindi ako si Pia, Ate.”
May nagbanggit ding anak daw siya ni Lorena at nag-“Hi” naman ang dalaga.
Natatawa kami sa mga fans dahil lapit sila nang lapit sa mga celebrities na hindi nila kilala ang pangalan at saka magpapa-picture, pagkatapos ay ibang pangalan ang mababanggit.
Nagpapa-picture sa GF, inangasan… MAVY, HINILA ANG KAMAY NI ASHLEY PALAYO SA FANS
HINDI namin nagustuhan ang pakikitungo ni Mavy Legaspi sa mga fans dahil nang lumabas sila ng girlfriend niyang si Ashley Ortega at may lumapit para magpa-picture, ngumiti naman ang aktres.
In fairness ay maayos namang nagpaalam ang fan at ngumiti si Ashley bilang pagbibigay ng permiso, pero ang ginawa ni Mavy ay kinuha ang kamay ng girlfriend at saka niya hinilang paalis.
Hindi man lang nag-“Hi!” o “Hello!” si Mavy sa mga fans na kitang-kitang iritable pa na parang malaking kasalanan ang ginawa sa dyowa niya.
Dapat ang mga artistang tulad ni Mavy ay nag-iingat dahil ang mga fans ay nagkakakuwentuhan at nagpapalitan sila ng opinyon at ang iba sa kanila ay may kakilalang mga reporters tulad namin na isusulat namin.
Kaya huwag magtaka ang mga personalidad na nasusulat sila nang hindi maganda lalo na kung nagpakita sila ng hindi maayos sa harap ng publiko.
BILIB kami kay Ralph de Leon na isa sa mga hosts kagabi sa 2026 Miss Universe Philippines na ginanap sa SM Mall of Asia (MOA) Arena, Pasay City dahil ilang minuto siyang nakatayo sa harap ng stage na nakangiti lang dahil nagkaroon ng technical problem ang mikroponong gamit niya.
Nang ipapakilala na niya ang contestant ay biglang nawala ang sound ng mic at ilang beses niya itong sinubukan pero wala kaya napangiti na lang siya bilang sagot sa mga naghihiyawan sa loob ng arena.
Pagkalipas ng 57 segundo ay inabutan ng mic si Ralph pero nang subukan niya ay wala pa rin kaya hiyawan na naman ang lahat ng nanonood sa kanya at natawa rin siya sabay palakpak kaya tawanan ulit ang lahat.
Napaka-cool ng dating ni Ralph de Leon. Hindi siya nag-panic o nagreklamo, bagkus ay nakangiti lang siya the whole time.




Comments