top of page
Search
  • BULGAR

Nanlalaglag daw… SEN. ROBIN, NAGPATUTSADA SA MGA PEKENG KAIBIGAN

ni Nitz Miralles @Bida | February 27, 2024





Ipinost ni Senator Robin Padilla ang balitang pinadalhan ni Toni Gonzaga ng bouquet of white flowers ang asawang si Mariel Rodriguez. May kasamang note ang flowers na malaking bagay para kay Mariel dahil patuloy siyang naba-bash dahil sa Vitamin C drip na ginawa niya sa office ni Sen. Robin.


Nakasulat sa note ni Toni, “Dear Ma, I love you... I hope you’re spending Sunday with the people who mean the most to you.” 


Ipinost ni Mariel sa kanyang Instagram ang bouquet of flowers at note at sumagot kay Toni ng: “My sweetest, most thoughtful, truest friend @celestinegonzaga Thank you!!!”


Dito na nag-comment si Robin ng: “Ito ang tunay na kasama nakaharap at nakatalikod hindi ka ihuhulog Solid Ginang Toni Gonzaga Tinulungan na ako sa aking kandidatura wala pang iwanan


"Eh ‘yun kasama na hindi ka pa tinatanong at hindi pa batid ang katotohanan hinulog ka na.”


Hindi namin binago kung ano ang eksaktong post ni Robin, talagang hindi siya naglalagay ng period.



 

Co-host ni Mavy, third party daw sa kanila ni Kyline…DASURI, TINAWAG NA 'B*TCH', WA' 'WENTA AT PINALALAYAS NG 'PINAS




Sinagot ni Dasuri Choi sa kanyang vlog ang isyung siya ang third party sa breakup nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara.


Katakut-takot na bashing ang ginawa sa kanya, tinawag na b*tch, maninira ng relasyon at pinauuwi na siya sa Korea.


Inamin ni Dasuri na nasaktan siya sa mga bashing sa kanya dahil sobra raw ang iba. Makikita sa vlog na nagpapahid siya ng luha dahil nasaktan sa mga nabasa. Pero, hindi raw siya babalik sa Korea, lalo’t mahal niya ang Pilipinas at ang mga Pilipino na tumulong sa kanya.


“When my life was really deep down, I went here and Filipinos, you guys helped me to grow. And you guys really helped me to be happy. I didn’t know Filipino culture, language. I tried my best to learn. At the end of the day, you guys will say balik ka na lang sa Korea. Uwi ka na lang. Wala kang kuwenta. Masakit talaga sa akin,” ani Dasuri.


Magkasama sa Tahanang Pinakamasaya sina Dasuri at Mavy bilang mga hosts, kaya nali-link. Wala pa namang nagsasabi sa host na mag-resign siya sa nasabing noontime show.

 

0 comments

Commenti


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page