Nanira raw ng relasyon, napikon… JESSY, UMAMING DAHIL SA MGA BASHERS KAYA NAG-AAWAY SILA NI LUIS
- BULGAR

- Jan 3, 2021
- 2 min read
Updated: Jan 9, 2021
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | January 3, 2021

Eversince ay open sa publiko ang relasyong Jessy Mendiola at Luis Manzano. Sa apat na taon ng kanilang relasyon ay nasubaybayan natin itong lahat mula sa simula. Nasaksihan din nating lahat kung paano sila i-bash noong nagsisimula pa lang ang affair nila at hindi matanggap ng tao ang kanilang relasyon.
Inakala kasi ng lahat noong una na si Jessy ang dahilan ng breakup nina Luis at Angel Locsin. Tinawag siyang third party, mang-aagaw, boyfriend-grabber, etcetera.
Inamin naman nina Jessy and Luis na talagang nakakaapekto ang mga bashings na ito sa early stage ng kanilang relasyon. Dumating na nga raw sa puntong pinag-aawayan na nila ang mga bashers.
“Maraming beses din kasi noong nagsisimula kami, 'di ba, naba-bash kami? Tapos, kahit hindi naman nila alam ang totoong nangyari or ‘yung kuwento, parang naniniwala sila sa mga sabi-sabi lang.
“Oo, sige, 'us against the world', pero ‘pag marami nang nagbabato sa inyo, parang nakakaapekto na rin. Tao lang. May nararamdaman din kami. Tapos, nu'ng time na ‘yun, napag-aawayan na rin namin,” kuwento ni Jessy sa episode ng Magandang Buhay aired last Dec. 31.
“Kahit na ilatag naman namin kung ano ang totoong nangyari, kahit na ilang beses naming ipaliwanag kung ano talaga ‘yung sitwasyon noong nangyari ang mga bagay-bagay, ang taong naghahanap ng mali, talagang makakahanap ng mali,” sabi naman ni Luis.
Matatandaang noon pa ay ipinaliwanag na nina Jessy at Luis na hindi naging third party ang aktres dahil nang time na pumasok siya sa buhay ng TV host ay matagal na itong split kay Angel.
But good thing, ani Jessy, ngayon daw ay natanggap na rin ng mga tao ang kanilang relasyon.
“Nakakatuwa rin, kasi, ngayon naman, nakikita nila na totoong masaya kami and tumatagal kami.
“May mga dating bashers na nagme-message sa amin na ‘Sorry, binash ka namin noon, binash namin kayo noon, pero nakita ko kung gaano kayo kasaya ngayon, kaya naging fan na ako.’ May ganu’n,” sey pa ni Jessy.
“Kaya happy na ako kasi nakita nila ‘yung totoong kami,” dagdag pa niya.
Ngayong 2021 naka-schedule ang kasalang Luis-Jessy. Na-engage sila last October, 2020.





Comments