Naningil ng pautang, binaril sa ulo

ni Maeng Santos @News | November 20, 2026

Photo: File
Patay ang isang 27-anyos na lalaki matapos barilin sa ulo ng hindi pa nakikilalang suspek sa Brgy. Dagat-dagatan, Navotas City, alas-3 ng madaling-araw kahapon.
Sa inisyal na imbestigasyon, nakipagkita umano ang biktima sa suspek upang maningil ng pautang nang biglang bumunot ng baril ang salarin at pinaputukan siya sa ulo.
Agad na nasawi ang biktima matapos tumagos sa kanyang batok ang bala, habang mabilis namang tumakas ang suspek.
Patuloy ang operasyon ng pulisya upang matukoy at maaresto ang salarin habang inaalam ang motibo sa krimen.





Comments