$5 billion armas, ibebenta ng US sa ‘Pinas

ni Mylene Alfonso @News | November 20, 2026

Photo: Donald Trump at Bongbong Marcos sa ASEAN 2026 - PCO
Mahigit $5 bilyong halaga ng armas ang inaprubahan ng Estados Unidos para sa Pilipinas, kasabay ng makasaysayang pagtaas ng pondong militar para palakasin ang depensa ng bansa.
Ito ang ipinagmalaki ni US President Donald Trump bago ang closed-door meeting nila ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Malacañang nitong Miyerkules.
“Approved arms sales of over $5 billion,” pahayag ni Trump, na tinukoy rin ang malaking pagtaas ng Foreign Military Financing (FMF) para sa Pilipinas mula nang maupo siya sa puwesto.
Ayon kay Trump, patuloy na pinapalawak ng Washington at Maynila ang kanilang kooperasyong militar na mahalagang haligi ng seguridad sa rehiyon.
Ibinida rin ng US President ang pagpapalakas sa kapasidad ng kanilang defense industry upang mapabilis ang paggawa at paghahatid ng mga kagamitang militar sa mga bansang bumibili ng armas mula sa Amerika.
Layunin nitong maiwasan ang pagkaantala sa suplay ng mga kagamitang pandepensa.
Kasunod ito ng hakbang ng dalawang bansa na higit pang palakasin ang kakayahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa gitna ng mga hamon sa seguridad sa rehiyon.





Comments